Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kasalang Ai Ai at Gerald, itinakda sa Dec. 12, 2017
Kasalang Ai Ai at Gerald, itinakda sa Dec. 12, 2017

Kasalang Ai Ai at Gerald, itinakda sa Dec. 12, 2017

MISMONG mga kaibigan niyang pari pala ang nagmungkahi kay Ai Ai de las Alas na huwag na nilang ituloy ng nobyong si Gerald Sibayan ang kanilang original altar date.

Supposedly kasi’y mauuna muna silang magpakasal sa Las Vegas bago matapos ang 2017, at sa susunod na taon ay dito naman sa bansa.

READ MORE:  Coco, natulala sa galing ni Sarah sa Maybe This Time

Pero nabago na ang lahat ng plano ng would-be couple.

December 12, Martes ay tuloy na tuloy na ang pagpapalitan nina Ai Ai at Gerald ng ”I do” sa ‘Pinas. Medyo alanganin nga lang ang araw kung kailan ito pumatak, dahil hindi ba’t karaniwang Sunday ang pinipiling wedding day ng mga magsing-irog?

READ MORE:  Rhian, inaming hindi kumain ng dalang pagkain ni Marian

Pero kung tama ang aming nasa isip, gustong itaon ni Ai Ai ang espesyal na araw na ‘yon nang hindi nalalayo sa araw ng kapanganakan ni Mama Mary. Kilala kasing Marian devotee ang komedyana.

READ MORE:  Bangis ni Kris, natikman ng basher: ‘Wag mo akong lektyuran!

Pero bakit hindi sa December 8 mismo? Naku, mas marunong pa kami  sa ikakasal, o!

(RONNIE CARRASCO III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved