Sunday , February 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / 30 naggagandahang dilag, maGlalaban-laban sa Miss Manila 2017
30 naggagandahang dilag, maGlalaban-laban sa Miss Manila 2017

30 naggagandahang dilag, maGlalaban-laban sa Miss Manila 2017

MULING nagsanib-puwersa ang syudad ng Maynila at MARE Foundation kasama ang VIVA Live para sa paghahanap ng susunod na  Miss Manila.

Nasa ikaapat na taon na ang search na hindi lamang naghahanap ng woman of beauty, subalit ng empowerment, nagpapakita ng social awareness, at kinakikitaan ng tunay na pagiging Manileña with grace, passion, at optimism.

Kaugnay ng pagdiriwang ng Araw Ng Maynila, sa ilalim ng atas ni Mayor Joseph Ejercito Estrada, ang kikitain ngayon sa Miss Manila ay itutulong at mapupunta sa  MARE Foundation, isang non-profit institution na pinamumunuan ni Ms. Jackie Ejercito, Chairperson at Pageant Director.

Ang 30 kandidata sa Miss Manila 2017 ay ang mga sumusunod: Gleen Aeela Krishnan, Alexandra Que, Jane Usison, Shiela Mae Morales, Joanna Rose Tolledo, Roxanne Natividad, Sofia Sibug, Hazel Ann Reyes, Athena Marie Jamaica Catriz, Bea Generosa Aquino, Maria Gail D. Tobes, Rycca Timog,  Meryljan Angangan, Katrina Mae Sese, Maria Isabel Alves, Kristine Joyce Montes, Allhia Charmaine Estores, Diana Mackey, Alyssa Joreen Reyes, Shaine Nicole Chavez, Naelah Alshorbaji Almazik, Princess Bautista, Geri Franchesca Camargo, Pamela Villacorte, Jennifer Daguro, Kristine Eiriel Nolasco, Jhan Nicole Ambata, Regine Sarah Turjman, Paola Bianca Bagaforo, at Kristel Herrera.

Ang grand coronation night ay gagawin sa Araw ng Maynila, June 24, 7:00 p.m. sa Philippine International Convention Center (PICC), at mapapanood sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa on June 25.

Magwawagi ang Miss Manila 2017 ng PhP 1,000,000.00 worth of prizes, kasama ang management contract at Php500,000.00 in cash; 1st Runner-Up (PhP 350,000.00 cash); 2nd Runner-Up (PhP 250,00.00 cash); 3rd Runner-Up (PhP 150,000.00 cash); 4th Runner-Up (PhP 100,000.00 cash)500,000 pesos, at contract sa VIVA.

Ang tatanghaling Miss Manila rin ang magre-represent sa City of Manila sa iba’t ibang functions at events.

Ang Miss Manila 2017 ay handog din ng AMA Education System, the Official Provider of Computers and Tabulation Systems, together with year’s Official Residence, The Manila Hotel; Official Hair & Make-up Provider, Jim Ryan Ros Hair & Make-up Team; Official Skin Care Provider, Nisce Skin ‘N Face; Official media partners, The Philippine Star, People’s Journal, and People’s Tonight; Official TV Partners, PBO, VIVA TV, and TMC. Special thanks to, Jollibee.

SHOBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved