Monday , June 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Richard, ramdam na ramdam ang importansiya sa Dos
Richard, ramdam na ramdam ang importansiya sa Dos

Richard, ramdam na ramdam ang importansiya sa Dos

NAG-GUEST noong Sabado si Richard Gutierrez  sa It’s Showtime kaya nagkita sila ng ex-girlfriend niyang si Anne Curtis. Sobrang na-cute-an si Anne sa anak ni Richard na si Zion.

Biniro nga ni Vice Ganda si ‘Chard na gumawa sila ng ganoon.

Ayon pa kay Vice nakakaganda sa TV ‘pag mukha ni Richard ang nakikita sa screen dahil sa kaguwapuhan at fresh tingnan. Ang sarap  manood ng isang kapamilya na guwapo.

Nagpasalamat din si Richard sa mainit na pagtanggap sa kanya at pag-welcome bilang isang Kapamilya sa It’s Showtime. Ramdam na ramdam niya ang importansiyang ibinigay sa kanya.

Kung nagsama na sina Angel Loscin nat Richard sa La Luna Sangre, reunited din sina Anne at Richard sa It’s Showtime. Very open naman si Chard kung magkaroon din sila ng project ni Anne dahil friends naman sila.

Very supportive din si Sarah Lahbati sa work ngayon ni Chard kahit makasama  pa niya ang mga ex. Naiintindihan niya ‘yun at nauunawaan.

Anyway, ang tagal na rin na hindi namin napanood si Richard na kumakanta .Ginawa niya ‘yun sa It’s Showtime at nagpakilig siya sa awiting Ikaw Lang Ang Aking Mahal.

Panalo!

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved