Saturday , April 20 2024

Ryza, maayos na nagpa-alam sa GMAAC para lumipat sa VAA

NAGPASALAMAT si Ryza Cenon sa kanyang Instagram account sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Viva Artists Agency. Pumirma siya ng five-year exclusive managerial contract.

Nilayasan ni Ryza ang GMA Artist Agency, pero idiin niyang mananatili siyang artista ng Kapuso Network. ‘Yun ang napagkasunduan nila ng VAA at ipinaglaban niya bago siya pumirma ng kontrata.

Tinatanaw ni Ryza ang malaking utang na loob niya sa GMA 7 dahil dito siya nagsimula mula nang maging Ultimate Female Survivor siya ng StarstruckSeason 2. Career move lang para sa aktres na magpalit ng mamamahala sa kanyang career.

Nilinaw din ni Ryza  na  walang kinalaman ang boyfriend niyang si Cholo Barrettosa ginawa niyang desisyon. Hindi ito influence ng bf. Never nakialam si Cholo pagdating sa career niya.

“Sarili ko itong desisyon. May kanya-kanya pa rin naman kaming desisyon,” deklara niya.

Sey pa ni Ryza, gusto niyang mag-explore. Parang ibang level naman na from high school ay college na siya.

Actually, noong February 2017 pa nag-expire ang kontrata niya sa GMAAC pero pinag-isipan niyang mabuti kung subukan naman niya ang ibang talent management. Hindi  naging madali sa kanya na basta na lang iwanan ang GMAAC. Maayos siyang nagpaalam.

Mariin pang sinabi  ni Ryza na gusto niyang gumawa ng maraming pelikula after niyang magbida sa  Ang Mananananggal sa 32-B na inilahok sa QCinema Film Festival at naniniwala siyang maibibigay ng Viva Films ito sa kanya.

Napansin ang husay ni Ryza sa seryeng Ika-6 Na Utos bilang si Georgia, kontrabidang kabit at kaalitan ni Sunshine Dizon para kay Gabby Concepcion. Pinaniniwalaan na masusundan pa sa GMA 7 ang malaking break at markadong role na ibinigay kay Ryza kapag natapos na ang seryeng ito.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *