Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 8 sugatan, 19 bahay nawasak sa buhawi (Sa Negros Occidental)
8 sugatan, 19 bahay nawasak sa buhawi (Sa Negros Occidental)

8 sugatan, 19 bahay nawasak sa buhawi (Sa Negros Occidental)

WALO katao ang sugatan habang 19 bahay ang nawasak sa pananalasa ng buhawi sa Negros Occidental, nitong Huwebes.

Ayon sa mga awtoridad, winasak ng buhawi ang walong bahay at poultry farm sa tatlong barangay sa bayan ng Valladolid.

Pagkaraan ay sinalanta ng buhawi ang 11 bahay na pawang yari sa lights materials, sa Brgy. Sagasa, Bago City.

Umabot sa 31 indibidwal ang apektado ng nasabing insidente.

Sa Bago City, sinabi ng mga awtoridad na umabot sa P380,000 ang halaga ng napinsalang mga ari-arian.

Habang ang pinsala sa kalapit na bayan ay kasalukuyang inaalam pa ng mga awtoridad.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved