Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P90-K shabu nasabat sa Iloilo
P90-K shabu nasabat sa Iloilo

P90-K shabu nasabat sa Iloilo

ILOILO CITY – Arestado ang tatlo katao sa buy-bust operation sa Jaro, Ilo-ilo City at nakompiska ang P90,000 halaga ng shabu, nitong Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga ina-resto, ang magkapatid na sina Ma. Kristina at Dane Jaleco, ng Zamboanga del Sur, at si Rachel Pirote ng Dumarao, Roxas City, sa buy-bust operation na ikinasa ng Regional Drug Enforcement Unit ng pu-lisya.

Habang nakatakas ang isa pang kapatid ng mga Jaleco na si Allan Crispin. Ayon sa report ng intelligence officers, ang magkapatid na Jaleco ang nakipagtransaksi-yon sa operatiba habang si Pirote ang nagbigay ng hinihinalang shabu.

Nakompiska mula sa tatlo ang anim sachet ng hinihinalang droga, P90,000 ang halaga, at ang buy-bust money.

Sa impormasyong natanggap ng pulisya, ga-ling sa Bacolod City ang ilegal na droga.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved