Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Conflict sa The Better Half, patindi nang patindi
Conflict sa The Better Half, patindi nang patindi

Conflict sa The Better Half, patindi nang patindi

ANG tindi nga at patindi pa nang patindi ang conflict sa sanga-sangang pagmamahalan ng mga bida sa The Better Half.

Patuloy na sinusubok at binibiro ng tadhana sina Marco (Carlo aquino) at Camille (Shaina Magdayao). Na dapat abangan ng mga manonood dahil kahit sumuko na si Marco sa pagmamahal niya para kay Camille, patuloy pa rin silang haharap sa mga pagsubok na hindi dapat palampasin sa Kapamilya Gold serye.

READ MORE:  KC at Paolo, magkasama sa Baguio?

Naging bukal na nga sa loob ni Marco na palayain si Camille para sa ikaaayos ng kanilang mga buhay. Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin nagkaroon ng tiwala si Rafael (JC De Vera) sa kanyang asawa matapos nitong matuklasan ang patuloy na pakikipagkita nito kay Marco, na nauwi sa matinding pagtatalo at sakitan na naging dahilan para iwan ni Camille si Rafael. Pero matapos matanggap ang kanyang pagkakamali, hindi titigil si Rafael para suyuin si Camille at gagawin lahat upang muling manumbalik ang saya ng kanilang pagsasama.

READ MORE:  Sylvia, tinalo pa ang tunay na lalaki sa pagiging tomboy
READ MORE:  Karapatan ni Ai Ai na ma-in-luv kahit mas bata sa kanya

Maraming mga kabaro nina Camille at Bianca ang nakaka-salamin sa mga pinaghuhugutan ng mga pagmamahal nila.

Sino ka ba sa mga kababaihang ito?

(PILAR MATEO)

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved