Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 8 aktibista arestado sa Freedom Day celebration (Sa Kawit, Cavite)
8 aktibista arestado sa Freedom Day celebration (Sa Kawit, Cavite)

8 aktibista arestado sa Freedom Day celebration (Sa Kawit, Cavite)

ARESTADO ang walo katao bunsod nang ‘ginawang’ kaguluhan sa pagdiriwang ng ika-119 Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite, nitong Lunes.

Nagpakilalang mga miyembro ng grupong Bayan at Gabriela, inaresto ng mga pulis ang mga demonstrador nang itaas ang kanilang kamao at sumigaw ng “Huwad na kalayaan!” habang nagsasalita si Senator Panfilo Lacson sa nasabing pagdiriwang.

READ MORE:  Ex-Miss Venezuela, mister utas sa holdaper

Ang mga inaresto ay isinakay sa police mobile habang patuloy sa pagsigaw at nakataas ang kanilang kamao.

READ MORE:  Bagong narcos sa Bilibid lumahok sa drug trade (PDEA desmayado)

Sina Lacson at Tourism Secretary Wanda Teo ang nanguna sa nasabing pagdiriwang sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, lugar na iprinoklama ang kalayaan ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898

READ MORE:  Pinay, 2 anak, 295 iba pa patay sa Ukraine plane attack (Palasyo nakiramay sa pamilya ng MH17 victims)

Kabilang sa aktibidad ang pag-alay ng bulaklak sa puntod ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa likod ng dambana.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top