Tuesday , December 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Tria humakot ng titulo
Tria humakot ng titulo

Tria humakot ng titulo

HUMAKOT ng titulo si Jose Antonio Tria matapos kalusin ang mga nakalaban sa finals ng 19th HEAD Junior Tennis Satellite Circuit sa Subic Bay International Tennis Center sa Olongapo City.

Ibinalibag ni top seed Tria si Luigi Bongco 6-3, 6-2, sa pagkopo ng 16-and-under boys’ singles crown.

READ MORE:  Bilis sandata ng Gilas sa World Cup — Reyes

Pati ang boys’ 18-under singles ay kinopo ni Tria nang pulbusin si Jonas Joseph Silva 6-1, 6-2, at nakipagtulungan kay Justin Labasano para madaklot ang 18-below boys doubles.

Kinalawit ni Axl Lajon Gonzaga ang 12-under singles sa pagtumba kay Joewen Pascua 5-7, 6-3, 6-3; sorpresang tinuhog ni  Pascua si top seed Rafael Liangco 4-6, 7-5, 6-1 sa 14-and-under final; at nasikwat ni Ginnuel Manlapaz ang 10-under unisex sa pagkaldag kay Kidlat Estogero, 4-2, 0-4, 4-0.

READ MORE:  James nilista ang 2-1 para sa Cavs

Sa girl’s division, nagreyna sa 18-under singles si Bianca Pica nang talunin si Jhastine Red Ballado 7-5, 1-6, 6-1. Bumawi si Ballado sa 16-under nang sipain si Althea Faye Ong 6-3, 7-5.

READ MORE:  Serena Williams babandera para sa Manila Mavericks (Sa IPTL sa susunod na taon)

Kampeon sa 12-under si Annika Diwa, si Ong sa 14-under. (ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved