Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Red Robins kampeon sa Freego Cup
Red Robins kampeon sa Freego Cup

Red Robins kampeon sa Freego Cup

NAGHARI ang Mapua Red Robins sa 10th Freego Cup na ginanap sa Buddhacare gym sa Quezon City matapos magsanib-puwersa sina Brian Lacap at Warren Bonifacio.

Kumana si Lacap ng 21 points habang 17 ang tinipa ni Bonifacio para sa Red Robins na kinalos ang  La Salle Greenhills, 84-73.

READ MORE:  Floyd wala na sa hulog — Media

Malaking bagay ang pagkakapanalo ng Mapua para paghandaan ang pagdepensa ng kanilang titulo sa NCAA juniors sa susunod na season.

Tumikada si Clint Escamis ng 15 puntos habang may 10 si Eric Jabel para sa Red Robins na nag top sa single-round eliminations tangan ang 7-1 card.

READ MORE:  Mayweather tinalo si Maidana

Umentra sa title match ang Mapua matapos  ma-forfeit ang  Jose Rizal University semis dahil mga injured ang key players nila.

Pinatalsik ng Greenies ang National University Bullpups, 97-92 sa semis.

READ MORE:  Tawag ng mga reperi magiging patas — Cristobal

Nahawakan ng LSGH ang 18-10 abante sa first canto, pero nakakuha ng momentum ang Red Robins sa second quarter upang makuha ang bandera sa halftime, 45-52.

Nirehistro ni Sydney Mosqueda ang  18 points para sa LSGH. (ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved