Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Dahilang pagsiksik sa balya gasgas na
Dahilang pagsiksik sa balya gasgas na

Dahilang pagsiksik sa balya gasgas na

PAHINGA muna tayo sa ating paglilibang mga klasmeyts upang gunitain natin ang “Araw Ng Kalayaan” na idineklara noong Hunyo 12, 1898 sa bansang Espanya at buhat nung taong 1962 ay naging National Holiday na ang petsa ngayon. Para naman sa mga klasmeyts natin na nagtatanong kung kailan magkakaroon ng karera ang araw ng Lunes ay sa susunod na buwan (Hulyo) meron na muli, uulitin ko lang na tuwing unang tatlong araw ng Lunes kada buwan upang maging balanse na may tig-iisang araw na pakarera ang tatlong karerahan. Okidok.

Dumako  tayo sa mga nasilip natin  sa karerahan ng Metro Turf nitong nagdaang Biyernes na kung saan ay  nakadehado ang kalahok na si Bliss na sinakyan ni Dudong Villegas sa unang takbuhan matapos na mabalikan at maagaw ang harapan sa nakalaban niyang si Fantastic Grace ni Sadam Pilapil. Ang bumanderang si Musikera ni Erwin Blancaflor ay nakababa pa ng isang grupo na kung saan ay kaya na niyang makapitas agad ng isang panalo.

Magaan na nagwagi ang kabayong si Blue Berry sa Race 2 na pinatnubayan ni aero cool Unoh Hernandez. Magkakaroon sana ng magandang laban kung agaran na naisingit ng hineteng si Christian Pilapil ang kanyang dala na si Premo Jewel sa may tabing balya bago dumating sa unang kanto ng laban, iyong nga lang ay medyo nag-menor siya kung kaya’t naipasok ni Unoh ang sakay niya upang makapagdikta ng harapan. Natabunan tuloy si Premo Jewel sa puwestuhan at nakaalpas na lamang papasok sa ultimo kuwarto na kahit papaano ay nakuha pa rin na matersera sa datingan.

Sa pangatlong takbuhan ay natalo ni Jersy Jewel ni Mhon Garcia sa patagalan ng hininga ang nakalaban nila sa banderahan na si Girl On Fire ni Unoh Hernandez, pero kung maagang nakalusot sa gawing labas ang pumangalawang si Graf ni Ba’am Avila ay maaaring sila ang nakasungkit ng laban. Kaya sa susunod ay huwag nang bitawan si Graf.

Nakaiskor sa Race 4  si Christian Pilapil sa sumunod na sakay niyang si Mr. La Loma laban sa nakapanabayan niya sa unahan na si New Empire ni Stephen Carmona. Malaki ang posibilidad na isalikwat na sa susunod na pagsali ang mga kabayong sina Becker at Mayumi, kaya huwag silang balewalain kapag mabasa sa programa.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si apprentice rider Elmer Castillo sa Race 5 dahil pagbukas ng aparato ay hiningan niya kaagad ang kanyang sakay na si Rafa upang agawin ang bandera ng may dalawang kabayong agwat at nung bibohan pa niya ay umektad na lumaban ng isa’t-isa sa ginamit na ayre. Sa rektahan na lamang medyo nakaramdam ng pagod si Rafa, subalit huli na ang lahat dahil ikanga ng mga beteranong karerista ay nakapagpahinga na sa unahan sina Elmer.

Naparemate ni Claro Pare Jr. sa Race 6  ang kuwarto paborito na si Cool Humie matapos na makapanood ng isang malakasang ayre sa mga bumanderang sina My Queen ni Mhon Garcia at Lasting Rose ni Jhay Señido. Hindi naman maganda ang naipakita ng kalahok na si Good Son Carlo, kaya under monitoring pa ang kanyang kundisyon. Bawi na lamang sa susunod kapag matapat na sa distansiyang 1,400 meters ang mga nakalaban nilang sina Mapaghinala, Kuya Yani at Galing From Afar.

Bumanderang tapos sa Race 7 ang sakay ni Mark Alvarez na si Foolish Princess at tinalo niya ang outstanding favorite na coupled runners na sina Bellasrbeautiful at Kaleidoscope na tila parehong nainip sa loob ng aparato dahil sa sobrang pagkaantala nung karera.

Sa penultimate race ay malayong nanalo rin ang na-outstanding favorite na na si Pagkakataon ni Renz Ubaldo matapos kumalat ang negatibong impormasyon na hindi mananalo sa laban ang nakadikitan niya nung sa maagang bentahan pa na si Ingrid’s Joy ni Oneil Cortez. Ayon na rin sa mga klasmeyts natin na nakapanood ay naramdaman nga nila ang kumalat na impormasyon lalo na nung takbuhan na buhat nung i-intrega ang harapan kina Renz at nag-aalalay na lamang si Oniel, pero ang higit pa diyan pagpasok sa rektahan ay pumaloob pa sa may tabing balya imbes na padiretso na lamang sa labas. Ang kaso nga lang ay nakamenor at tila nag-aantay na lamang na makarating sa meta. Ayon na rin sa mga beteranong klasmeyts natin ay gasgas na ang dahilan na sumiksik at ubos na, dahil hindi lahat ng sumisiksik ay wala nang lakas kaya bulok na ang style na ganon.

Nakapanood din ng boksing sa unahan ang nakaremateng si Ultimate Paris na dinala ni Onat Torres sa huling karera  matapos na magkalakasan ng ayre sa unahan sina Shining Courage ni Mhon Raquel Jr. at Gorgeous Chelsea ni Toypits Guerra. Hindi nakitaan ng magandang laban diyan ang kalahok na si Air Supply ni Patar Guce.

REKTA – Fred L. Magno

COMMENTS

About Fred Magno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved