Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ariella Arida, bahagi na ng CosmoSkin
Ariella Arida, bahagi na ng CosmoSkin

Ariella Arida, bahagi na ng CosmoSkin

PATULOY ang paglalakbay ng bawat consumer sa wellness sa pagre-launch ng Bargn Pharmaceuticals ngCosmoSkin Grapeseed Extract (GSE) at FiberMaxx Daily Fiber Supplement— dalawa sa mga top products nito na kaakibat ng bawat tao sa mas malusog at mabuting pamumuhay.

Ang Bargn ay nasa forefront ng innovation ng health and wellness industry, sa paglikha ng mga produkto na tinutugunan ang maraming mga pangangailangan ng mga tao na kinabibilangan ng cosmeceuticals, nutraceuticals, vitamins, pharmaceuticals, at cosmetics. Itinatag noong 2006 nina Nino Bautista at John Redentor Gatus Jr., mabilis na naging pangunahing integrated neutraceutical, beauty, at vitamin company ang Bargn  sa Pilipinas at may malakas din itong presensiya sa 10 iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Sa pamamagitan ng CosmoSkin Grapeseed Extract, nagbibigay ang Bargn ng isang definitive na solusyon sa common skin ailment na kung tawagin ay Melasma—isang kondisyon na lumilikha ng maiitim na patches sa balat na karaniwang matatagpuan sa pisngi, ilong, labi, at noo, at apektado dito ang  halos  90% ng mga kababaihan sa buong mundo. Pinapalala ang kondisyon na ito ng sun exposure at dahil dito ang mga kababaihan na mayroong active at outdoorsy lifestyles ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng dark pigments kompara sa iba.

READ MORE:  Jennylyn Mercado, mas pinaborang makasama ni Alden; Maine, out na

Totoong-totoo ito sa kaso ng Miss Universe 2013 3rd Runner-up na si Ariella Arida. Bukod sa kanyang tuloy-tuloy na pagho-host sa mga coronation night ng Binibining Pilipinas, acting jobs na gumaganap siya sa iba’t ibang role, na gumaganap sa mga programa ng GMA-7 tulad ng Juan Happy Love Story at Dear Uge, kasama na rin ang pagiging co-host ni Willie Revillame sa Wowowin at ang mga notable appearance sa mga top-rating na programa ng ABS-CBN tulad ng Minute To Win Itat Kapamilya Deal Or No Deal, mahilig ding tumakbo at lumangoy ang 28-anyos na si Ariella bilang bahagi ng kanyang fitness regimen.

“Mahalaga para sa akin na fit ang aking katawan. Sa aking schedule, lagi kong sinisiguro na may oras akong tumakbo at lumangoy at isa ito sa mga dahilan kung bakit balanse ang aking buhay. Pero siyempre, apektado rin ang aking balat dahil sa mga activities na ito. Wala namang immune sa sun exposure, at hindi sapat ang sunscreen lamang. Ito ang dahilan kung bakit masaya ako at nadiskubre ko ang CosmoSkin Grapeseed Extract,” paliwanag ng fashion at beauty icon. Sa pamamagitan ng CosmoSkin GSE, natutugunan ni Ariella ang Melasma at kitang-kita ito sa kanyang flawless complexion tuwing lumalabas siya sa telebisyon at sa kanyang mga hosting engagement.

READ MORE:  Gary V Presents… susugod sa Kia Theater

Ngunit ‘di lamang ang panlabas na anyo ang mahalaga sa Bargn sa layunin nitong ipalaganap ang health at wellness para sa lahat. Kaya naman nilkha nila ang FiberMaxx Daily Fiber Supplement upang i-promote ang good digestive health, tulungan ang lahat na pababain ang cholesterol at fats, at para tulungan din ang lahat na i-maintain ang malusog na sugar levels. Ang FiberMaxx ay ang perfect supplement para sa lahat na ibig magkaroon ng magandang pangangatawan sapagkat tumutulong itong panatilihing malusog ang katawan sa tulong ng tamang diet at regular na ehersisyo.

Ang FiberMaxx ay ang ideal workout companion ng bawat fitness buff sapagkat katulong nila ito para panatilihing nourished ang kanilang mga katawan habang ginagawa nila ang kanilang mga fitness routine. ”Kahit gaano pa ka-busy ang schedule ng kahit na sinong tao, dapat silang mag-gym,” sabi ng Bargn founder na si Bautista.

READ MORE:  Lovi, nagulat sa mga rebelasyon ni Rocco ukol sa kanilang hiwalayan

“Dapat laging fit ang bawat tao. Ngunit minsan nagsa-suffer ang diet dahil hindi makakain ng healthy ang mga taong on the go, kaya mainam na binibigay na ng FiberMaxx ang nutrisyon na kailangan nila,” dagdag pa ng Bargn co-founder na si Gatus sapagkat ang all-natural ingredients ng FiberMaxx ang tumutulong upang maalagaan ang waistline, ang puso, at pati ang colon in one, easy solution.

Posible at mas madali na ngayong magkaroon ng inner at outer beauty dahil sa dalawang produktong ito at ngayon, maaari nang simulan ng lahat ang kanilang total wellness journey kasama ang Bargn at siyempre pa, ang gumanda sa panlabas at maging malusog sa panloob gamit angCosmoSkin GSE at FiberMaxx.

Mabibili ang CosmoSkin Grapeseed Extract at Fibermaxx Daily Fiber Supplement sa lahat ng mga Watson’s branches sa buong bansa.

Para sa karagdagang impormasyon i-like ang CosmoSkin Fan Page sa Facebook, sundan ang @cosmoskin sa Twitter at Instagram, i-like ang FiberMaxx Fan Page sa Facebook, sundan ang @fibermaxx sa Twitter at Instagram, at bisitahin ang www.cosmo-skin.com.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved