Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Hapilon nasa Marawi pa – AFP
Hapilon nasa Marawi pa – AFP

Hapilon nasa Marawi pa – AFP

ITINANGGI ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na nakapuslit palabas ng Marawi City ang top Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon.

Naniniwala ang Task Force Marawi, sa pangunguna ni Major General Rolando Bautista, si Hapilon ay nagtatago pa rin sa lungsod, ayon kay AFP spokesperson Brigadier General Restituto Padilla.

READ MORE:  Umento sa SSL pasado na sa Senado (Para sa public sector)

“Tsinek natin ito at ang announcement ni Major General Rolando Bautista, ang Task Force Marawi head, ay hindi po [totoo],” pahayag ni Padilla sa press briefing sa Malacañang.

READ MORE:  Bahala na si Lord sa inyo, busy ako (Patutsada ni PNoy sa kritiko)

“Hindi po ito napapatibayan. Hindi po ito totoo at naniniwala silang nandoon pa,” aniya.

Sumiklab ang sagupaan sa Marawi City noong 23 Mayo nang tangkain ng mga tropa ng gobyerno na arestohin si Hapilon.

READ MORE:  Project manager tigok sa motel  

Ayon sa militar, ang tangkang pag-aresto kay Hapilon ay bilang bahagi ng hakbang para mapigilan ang orihinal na plano ng local terrorist group Maute, na maghasik ng karahasan sa Islamic city sa pagsisimula ng Ramadan.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved