Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / PH Azkals pinaamo ng China sa friendly
PH Azkals pinaamo ng China sa friendly

PH Azkals pinaamo ng China sa friendly

PUMUROL ang pangil at naglaho ang bangis ng Philippine Azkals nang paamohin ng China sa kanilang friendly match, 8-1 sa Tianhe Stadium, Guangzhou kamakalawa ng gabi.

Binulaga ng mga Tsino ang Pinoy sa mabilis na 2-0 goals sa unang mga minuto at ba-gamat nakabalik ng isang goal si Misagh Bahadoran sa ika-34 minuto ay nagbigay ng isa pang puntos sa China papasok ng halftime para sa 3-1 pagkaka-iwan.

READ MORE:  So nasa top spot

Diretsong birada na ng 81st-ranked China ang sumalubong sa ika-127 ranggo sa mundo Azkals.

Sumakay ang China sa 5-0 ratsada mula sa goals nina Wang Yongpo, Chen Zhizhao, Zang Xizhe at dalawang pam-baon mula kay Dang Hawen sa mga huling minuto tungo sa madaling 8-1 panalo na ikinatuwa ng 21,000 manonood sa kanilang hometown na Guangzhou.

READ MORE:  Alibi ni Rigondeaux ‘di kinagat ni Lomachenko

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagtagpong muli ang dalawang bansa mula noong 2000 para sa AFC Asian Qualifiers sa Vietnam na ibinaon ng China ang Filipinas, 8-0.

Ang friendly match ay tune-up para sa Filipinas na sumasalang sa Qualifiers ng 2019 Asian Cup sa United Arab Emirates, na naunang nakapasok ang China.

READ MORE:  PBA trades nagsimula na

Nasa Group F ang Filipinas na bibisita sa Pamir Stadium sa Dushanbe,  Tajikistan  sa  13 Hunyo para patatagin pa ang hawak sa liderato.

Tinalo ng Filipinas ang Nepal, 4-1 sa unang laban nila sa qualifiers noong 28 Marso sa Rizal Memorial Stadium, Malate, Maynila. (JBU)

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved