Monday , July 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / The Eddys ng SPEEd, sa Hulyo 9 na
The Eddys ng SPEEd, sa Hulyo 9 na

The Eddys ng SPEEd, sa Hulyo 9 na

INIHAYAG ng pangulo ng Society of Entertainment Editors of the Philippines (SPEEd) na si Isah Red na tuloy na tuloy na ang The Eddys Awards sa Hulyo 9, Kia Theater, na magkakaroon ng telecast sa ABS-CBN.

Ang Eddys ay isa sa major projects ng grupo at ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng mga nangungunang broadsheet at tabloid sa bansa.

Magsisilbing host ang mag-amang Edu at Luis Manzano na first time magkakasama sa isang event.

Ayon sa Entertainment and Lifestyle Editor ng Manila Standard na si Red, ang Eddys ay isang paraan ng SPEEd para magbigay inspirasyon sa mga Pinoy filmma­ker na patuloy na gumawa ng kalidad na mga pelikula na makare-relate ang mga manonood.

“We humbly state that in our case, we are doing this solely because of the love we have all come to develop for the Philippine entertainment industry in the course of our respective careers as journalists. We are all fans of the Filipino talent and this is our way of giving it due recognition and support,” giit pa ni Red.

Samantala, bago ang awards night, magkakaroon muna ng launching ang The Eddys sa Sabado, June 10 kasabay ng paghahayag ng mga nominado.

Ang Eddy’s ay co-production ng ABS-CBN at Viva Live.

ANGEL, LLOYDIE, RICHARD, KATHRYN
AT DANIEL, MULING PAPASUKIN
ANG MUNDO NG MGA LOBO AT BAMPIRA
SA LA LUNA SANGRE

060817 richard angel lloydie kathniel

MULING bubuksan ng ABS-CBN ang imortal na epic saga at papasuking muli ang mundo ng mga lobo at bampira sa pag-uumpisa ng inaabangang seryeng La Luna Sangre tampok ang number one loveteam ng bansa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama sinaAngel Locsin, John Lloyd Cruz, at Richard Gutierrez.

Mamarkahan ng seryeng ididirehe ni Cathy Garcia-Molina ang pagbabalik telebisyon ng KathNiel matapos ang matagumpay nilang seryengPangako Sa Yo at box-office hit na Can’t Help Falling in Love na binansagan silang P1 billion love team.

Sasabak din sa kanyang unang serye sa ABS-CBN ang pinakabagong Kapamilya na si Richard na gaganap bilang si Sandrino, ang hari ng mga bampira na hahadlang sa pag-iibigan ng mga karakter nina Malia (Kathryn) at Tristan (Daniel).

Inaabangan na rin ang espesyal na partisipasyon nina Angel at John Lloyd na siyang magsisilbing tagahabi ng istorya mula sa Imortal patungo sa La Luna Sangre.

Iikot ang epic saga sa bagong propesiya na tinatawag na La Luna Sangre na itinakdang supilin ng anak ng pinakamakapangyarihang bampira at ng itinakdang lobo ang kasamaan ng bampirang may tatak ng sumpang tinta.

Lingid sa kaalaman nina Mateo (John Lloyd) at Lia (Angel) na sila ay guguluhin ng naturang propesiya. Tahimik na sana ang sinumulan nilang simple at mas mapayapang buhay bilang mga mortal, nang biglang maghasik ng lagim ang bampirang si Sandrino (Richard). Nais nitong pigilan ang propesiyang patungkol sa pagkakasupil sa kanya at para gawin iyon ay kailangan niyang patayin ang anak nina Mateo at Lia na si Malia, ang pinaniniwalaang bagong itinakda. Gagawin ng mag-asawa ang lahat para protektahan si Malia kahit wala na itong mga kapangyarihan ngunit sa huli, magagapi sila ng kampon ng kasamaan.

Lilipas ang panahon at lalaki si Malia sa piling ng mga lobo at bampira. Umaasa ang kanilang lahi na siya na nga ang itinakda. Ngunit mabibigo ang lahat nang hindi lumabas ang kanyang kapangyarihan sa kayang ika-21 kaarawan—isang mahalagang signos para masabing siya ang kanilang tagapagligtas.

Dala ng kahihiyan, tatalikuran ni Malia ang kinagisnang mundo at makikipagsapalaran sa mundo ng mga tao. Rito niya makikila si Tristan (Daniel), isang binatang buong buhay na hinahanap ang bampirang pumatay sa kanyang ama. Sa paglalapit ng kanilang mga loob, maging susi kaya si Malia sa katarungang hinahanap ni Tristan? Magbalik pa kaya si Malia sa mundong kanyang iniwan at tuparin ang nakatakda sa propesiya? Paano kaya makaaapekto ang propesiya sa namumuong pagtitinginan nina Malia at Tristan?

Ang La Luna Sangre ay nilikha sa ilalim ng produksiyon ng Star Creatives, ang produksiyon sa likod ng matatagumpay na serye tulad ng  Lobo, Imortal, Got to Believe, Pangako Sa Yo, Forevermore, Dolce Amore, Pusong Ligaw, at A Love to Last .

Pakaabangan ang La Luna Sangre malapit na sa ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEKMaricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved