Tuesday , June 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pera ng BPI depositors nadagdag-bawas
Pera ng BPI depositors nadagdag-bawas

Pera ng BPI depositors nadagdag-bawas

NAGULAT ang mga may account sa Bank of the Philippine Islands (BPI) sa nadiskobreng nawalang pera at ilang transaksi-yon na hindi sila ang gumawa, nitong Miyerkoles ng umaga.

Agad umaksiyon ang BPI at siniguro na walang kostumer na mawawalan ng pondo sa kanilang account.

Nagkaroon anila ng ‘internal data processing error’ kaya maaaring doble ang nabawas na pera sa account ng mga parokyano ng kanilang banko, ayon sa BPI.

Kung nakipagtransaksiyon anila sa BPI noong 27 Abril hanggang 2 Mayo, maaaring doble ang naitala sa transaksi-yon.

Maaaring doble ang na-debit o na-credit sa account ng kliyente, ayon kay BPI President Cezar Consing.

Kasalukuyan inaayos ng banko ang kanilang sistema, at humihingi sila ng paumanhin sa abalang idinulot nito.

Pansamantalang sinuspendi ang log-in sa online channels ng BPI nitong Miyerkoles ng umaga, ngunit patuloy na magbibigay ng serbisyo ang banko at maaari pa rin magamit ang mga ATM upang ma-access ang account.

Agad maitatama ang mga ulat ng ‘unauthorized transaction’ ayon kay Bangko Sentral ng Pi-lipinas (BSP) Inclusive Finance and Financial Consumer Protection Head Pia Roman Tayag.

“They (BPI) assured us na within the day, maaayos ito. No customer’s fund will be lost,” aniya.

Samantala, itinanggi ng BSP ang mga haka-haka na online hackers ang nasa likod ng insidente.

“Hindi po ito na-hack. May mga natatatakot po kasi na ito ay hack daw po — ito ang umiikot na balita sa social media. Para to make it clear at hindi rin po matakot, nakita agad ng BPI and they are correcting it immediately po,” ayon kay Tayag.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved