Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris Bernal, nakiliti sa pagsibasib sa kanya ni Rafael
Kris Bernal, nakiliti sa pagsibasib sa kanya ni Rafael

Kris Bernal, nakiliti sa pagsibasib sa kanya ni Rafael

GUSTONG gayahin ni Kris Bernal ang mukha ni Heart Evangelista kung mag-i-impostor siya ng mukha.

“Kasi idol ko siya rati pa. Gandang-ganda ako sa kanya. Fan mode ako sa kanya, faney ako sa kanya,” deklara niya.

Anong gagawin niya kung magiging si Heart na siya?

“Hindi na ako magtatrabaho, joke,” pakli niya sabay tawa.

Ibang image na ngayon ang makikita kay Kris dahil hindi na siya pa-tweetums. Nakipaglampungan nga siya sa kama ng anim na beses sa bago niyang serye kasama sina Rafael Rosell at Ryan Eigenmann.

READ MORE:  Mahusay na aktres, adik sa sugal at lasenggera

Kumusta kaeksena sa kama si Rafael?

“Nahihiya ako sa kanya noong una. Hindi ako makatingin sa kanya  kasi ang guwapo niya, ‘di ba? Hindi sa may pagnanasa ako, ha pero ‘pag nag-eye to eye kami, ako ‘yung nahihiya,” tugon ng aktres.

Parang may eksenang sinibasib ni Rafael si Kris?

READ MORE:  Bagito, pumalo agad sa ratings (Nash, tuwang-tuwa sa pagbibida...)

“Nakiliti lang ako,” pag-amin niya sabay tawa niya.

“May mga shot kasi na hindi mo madaya kaya kailangan mong gawin. Pero maalalay si Rafael at saka masarap,” sey ni Kris sabay halakhak.

“Good kisser si Rafael. Sobrang mabait at sobrang sweet din niya,” sambit pa niya.

Sino naman kina Rafael at Ryan ang mas magaling sa love scene?

“Si Ryan  kasi alam na niya kung paano gawin ang mga love scene kaya kahit hindi ako umarte o magbigay, parang sa acting pa lang niya, kitang-kita na intense ‘yung love scene. ’Yung character ko kasi kay Ryan mas aggressive, eh,” pakli ng aktres.

READ MORE:  No Harm, No Foul at My Fair Lady, mapapadali ang pagtatapos

Nag-workshop naman sila bago gawin ang serye at more on physical activities kaya handa  na rin siya sa nasabing mga eksena.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved