Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Diliman pinayuko ng Griffins
Diliman pinayuko ng Griffins

Diliman pinayuko ng Griffins

NALUSUTAN ng CdSL-V Hotel Griffins ang kapwa matikas na Diliman College-JPA Freight Logistics, 62-55, sa isang makapigil-hiningang sagupaan at lumapit pa sa inaasam na seven-game sweep sa 2017 MBL Open basketball championship sa PNP Sports Center sa Camp Crame.

Nanguna sina Soulemane Chabi Yo at Dominic Formento para sa Griffins, na nakatitiyak na tatabla sa unang dalawang puwesto at outright semis berth sa kanilang ika-anim na  dikit na panalo.

READ MORE:  78th Season ng UAAP Women’s Volleyball

Si Chabi Yo, ang 6-6 standout mula sa French-speaking West African nation ay umiskor ng 10 sa kanyang game-high 21 puntos sa payoff period.

Nag-ambag si Formento ng 14 puntos, kabilang ang dalawang nakapanglulumong triples sa fourth period na bumigo sa Dragons ni coach Rensy Bajar.

Ang Diliman import na si Alex Diakhite  ay nakipagtagisan ng husto kay Chabi Yo sa kanyang 19 points sa kabila ng maagang foul trouble.

READ MORE:  AKCUPI Affiliate magtatanghal ng dog shows

Nagpakitang gilas si Diakhite sa second quarter, na kung saan tumirada siya mg siyam na puntos para MBR Sports-supported  Dragons nina former Sen. Nikki Coseteng at  businessman-sportsman Jerry Alday.

Sa unang laro, bumangon mula 19-point na pagkabaon ang Philippine National Police upang gulatin ang Wang’s Ballclub, 75-72, at itala ang unang panalo sa anim na laro.

READ MORE:  Folayang susungkit ng ikalawang world title

Umiskor si Ricardo Cabrera ng 13 sa kanyang team-high 18 puntos para pamunuan ang nakabibilib na comeback win ng Responders.

Nakatulong din si Julius Criste,  Rolando Abaya, Japeth Cabahug, Abul Khair Bayabao at Harold Sta. Cruz para sa PNP,  na nagpakitang gilas, 33-11, sa fourth quarter.
(ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved