Friday , June 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Battle of the Rivals (Ateneo vs La Salle)
Battle of the Rivals (Ateneo vs La Salle)

Battle of the Rivals (Ateneo vs La Salle)

MAHIGPIT na magkaribal pero magkakaisa muna sila para sa kapakanan ng kabataang Filipino.

Magtutuos ang ilan sa pinakamagagaling na volleyball players mula sa De La Salle Lady Spikers at Ateneo Lady Eagles tulad nina Mika Reyes, Alyssa Valdez, Kim Fajardo, at Jia Morado sa “Battle of the Rivals,” isang benefit volleyball event na ilalarga ngayong 16 Hulyo sa SM Mall of Asia Arena.

Hatid ng Rebisco, layunin ng proyekto na mangalap ng pondo para sa pag-aaral ng mga iskolar ng Ateneo De Manila University Foundation, De La Salle University Foundation, at Rebisco Foundation, Inc.

Masisilayan sa labanan sina dating UAAP MVP Aby Maraño at Ara Galang, former Finals MVP Cha Cruz at Michele Gumabao kasama sina Melissa Gohing at Cyd Demecillo.

Makakasama nina Valdez at Morado sina Ella De Jesus, Dennise Lazaro, at Amy Ahomiro na naging susi sa unang kampeonato ng Ateneo, kasama ang mga batang spiker na sina Maddie Madayag at Jho Maraguinot at ang Fab 5 member na si Fille Cayetano.

Anim na sunod na taon nang naghaharap ang Ateneo Lady Eagles at De La Salle Lady Spikers sa UAAP Finals, kung kaya’t lalo pang lumalakas ang kanilang tapatan.

Ngunit sa labas ng volleyball court, parehong nangangarap ang da-lawang grupo na makakatulong sa pagbibigay ng edukasyon sa mga bata sa pamamagitan ng volleyball.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved