Monday , October 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pulis-Malabon sugatan sa ambush
Pulis-Malabon sugatan sa ambush

Pulis-Malabon sugatan sa ambush

MALUBHANG nasugatan ang isang pulis makaraan pagbabarilin ng walong lalaking lulan ng apat motorsiklo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Maynila ang biktimang si PO3 Rommel Abarro, 45, ng Block 112, Lot 36, Heritage Homes, Brgy. Gregorio, Trece Martires, Cavite, at nakatalaga sa Malabon Police Intelligence Unit.

READ MORE:  Malolos Mayor, 1 pa grabeng napinsala (Driver bodyguard patay sa banggaan)

Sa inisyal na report na isinumite sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) director, C/Supt. Roberto Fajardo, dakong 8:30 pm, binabagtas nina Abarro at ang kanyang asawa ang Road 10 Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

READ MORE:  3 Pasay prosecutors sinuspende ng DoJ (Suspected smugglers pinalaya)

Tinamaan sa balikat ang biktima pero nakaligtas ang kanyang misis.

Bagama’t sugatan, nagawang patakbuhin ni Abarro ang sasakyan ngunit hinabol sila ng mga suspek hanggang makarating sa Vitas Katuparan Bridge sa Tondo, at gumanti ng putok ang biktima.

Humingi ng tulong ang biktima sa nagpapatrolyang mga operatiba ng Manila Police Station 1 na nagdala sa kanya sa pagamutan.

READ MORE:  Van sumalpok sa nakaparadang truck, 3 patay

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa tangkang pagpatay sa biktima na dating miyembro ng Malabon Police Drug Enforcement Unit.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved