Monday , June 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Performance nina Robi at Alex, kasumpa-sumpa; Julie Anne at Sheryn, nawala sa tono
Performance nina Robi at Alex, kasumpa-sumpa; Julie Anne at Sheryn, nawala sa tono

Performance nina Robi at Alex, kasumpa-sumpa; Julie Anne at Sheryn, nawala sa tono

APAT na ‘sablay’ ang tawag  kina Robi Domingo, Alex Gonzaga, Julie Anne San Jose, at Sheryn Regis dahil ‘waley’ ang kanilang mga performance.

Magaling na host sina Robi at Alex pero ‘wag na nilang uulitin ang  ka-cheapan na performance at script nila sa I Can Do That na nagbabatukan o nagpapaluan sa ulo at sa ending ay namumugan pa sa mukha ni Alex si Robi.

Sey nga ng mga netizen, kasumpa-sumpa, dapat ipako sa krus ang nagturo sa kanila at gumawa ng script. Super katsipan talaga.

Natawa rin kami sa post ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account after ng performance nina Alex at Robi.

“Kahit anung mangyari mahal kita @Mscathygonzaga !!!! Saang network ka man mapadpad pagtapos ng performance na yun i will still be ur friend.”

Anyway, congrats kay Wacky Kiray na nanalong I Can Do That Greatest Entertainer. Deserving!

Isa pang sablay beauty ay si San Jose sa Sunday Pinasaya. Marami ang nakapansin na wala sa tono ang pagkanta niya ng High School Life na ang original version ay mula sa Megastar na si Sharon Cuneta.

Kapansin-pansin din na na-out of tune si Sheryn sa kanta niya sa Umagang Kay Ganda noong Tuesday.

Anyare?

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved