Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Parak sinaksak, ex-con swak sa kulungan
Parak sinaksak, ex-con swak sa kulungan

Parak sinaksak, ex-con swak sa kulungan

BUMAGSAK sa kulungan ang isang ex-convict nang magwala at tangkain saksakin ang isang pulis sa lungsod ng Pasay, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Pasay City Police chief, S/Supt. Dinisio Brtolome , ang suspek na si Ken Angelo Sobrevega, 25, miyembro ng Sputnik Gang, residente sa Pag-Asa St., Brgy. 185, Maricaban ng nasabing lungsod.

READ MORE:   ‘Gapo officials, missing in action sa kalamidad (Nasa Amerika lahat)

Ayon kay PO3 Ephraim Dancel, 39,  nakatalaga sa Villamor PCP, nakatayo siya sa harap ng Batangas Lomi House sa Brgy. 185, nang mapansin niyang nagwawala si Sobrevega habang nakikipagtalo sa kanyang misis na kinilalang si Jasmine.

READ MORE:  Recall election sa Bulacan  tuluyang ibinasura

Nakita ni Sobrevega na nakatingin sa kanya ang pulis na kanyang ikinagalit kaya inundayan ng saksk si PO3 Dancel ngunit nakailag.

Lingid sa kaalaman ng suspek, pulis ang tinangka niyang saksakin.

READ MORE:  7 sundalo sugatan sa grenade attack sa Jolo

Hindi nakapalag ang suspek nang posasan siya ni Dancel at iba pang kasamang mga pulis.

Nakuha mula kay Sobrevega ang isang arnis stick at kutsilyo.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved