Monday , June 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Warriors 2-0 na sa NBA finals
Warriors 2-0 na sa NBA finals

Warriors 2-0 na sa NBA finals

HINDI ulit pinaporma ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers sa Game 2, 132-113 upang ipos-te ang komportableng 2-0 kalamangan sa kanilang best-of-7 NBA Finals series kahapon sa Oracle Arena sa Bay Area.

Abanse ng 67-64 sa halftime, tinapakan ng Warriors ang pedal sa ikatlong kanto upang magtayo ng mala-king 102-88 kalamangan papasok sa ikahuling quarter.

Umabot hanggang 111-89 ang lamang ng Warriors para sa kanilang ikalawang sunod na pagtambak sa nagdedepensang kampeon na Cavaliers. Ibinaon din nila ang Cavs sa Game 1, 113-91.

Ito na ang ika-14 panalo ng Golden State sa playoffs at nanatiling walang dungis. Ang 14 na sunod na panalo sa post-season ang pinakamahaba sa kasaysayan ng NBA.

Muli na namang bumida para sa Warriors ang bagong saltang si Kevin Durant sa kanyang 33 puntos, 13 rebounds, 6 assists at 5 blocks habang solido na naman ang suporta ng kanyang katambal na si Stephen Curry na nagkamal ng 32 puntos, 10 rebounds at 11 assists.

Nawalan ng saysay ang 29 puntos, 14 assists at 11 rebounds ni LeBron James para sa Cavs na mababaon sa 0-2 sa ikalawang sunod na pagkaka-taon. Nag-ambag ng 29 at 19 puntos ang mga kasangga ni James na si Kevin Love at Kyrie Irving, ayon sa pagkakasunod ngunit hindi pa rin sumapat.

Nabaon sa 0-2 ang Cavs noong nakaraang taon kung kailan nakabalik sila mula hanggang 1-3 na pagkakaiwan upang ibulsa ang kampeonato. Warriors naman ang nanalo sa una nilang paghaharap.

Tatangkaing lumayo ng Warriors sa 3-0 at bahag-yang tanawin ang ikalawang kampeonato sa tatlong taon sa pagdayo nila sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio sa Game 3 habang susubukang ilapit ng Cavs sa 1-2 ang serye.

(JBU)

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved