Sunday , June 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon, aminadong hindi perpekto ang pagsasama nila ni Pangilinan
Sharon, aminadong hindi perpekto ang pagsasama nila ni Pangilinan

Sharon, aminadong hindi perpekto ang pagsasama nila ni Pangilinan

NILINAW ni Sharon Cuneta ang isyung may problema ang pagsasama nila ni Sen. Kiko Pangilinan sa Tonight With Boy Abunda.

”Kiko and I don’t have a perfect marriage. Who does? There are times gusto mong iwan, there are times gusto mong patayin. Ganoon lang naman ‘di ba? Lahat ng mag-asawa, may mga ganoon. I’m just being frank and honest.

“Because you know, I mean, he’s an upright guy, he’s a very good man, that’s why I married him. It’s just we didn’t grow up in the same household, with the same parents, same set-up. Of course we’re two different people,” pahayag ng megastar.

Nabigyan din ng ibang kulay ang post niya na picture ng kanyang apat na anak at nilagyan ng caption na, ”these are the 4 people that I would give my life for.” Bakit daw hindi kasama si Sen. Kiko?

“Kasi ipinanganak ko ‘yun, eh, at saka ‘yung isa (Miguel, the youngest), inampon ko at sumumpa akong maging nanay niya. Hindi ko naman ipinagbuntis si Kiko,”sambit pa ni Sharon.

(Roldan Castro)

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved