Sunday , February 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / QC traffic cop tiklo sa kotong
QC traffic cop tiklo sa kotong

QC traffic cop tiklo sa kotong

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang kapwa pulis-Kyusi sa entrapment operation na isinagawa sa loob ng traffic office sa Camp Karingal, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay QCPD director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang suspek na si PO3 Fernando Tanghay, 47, nakata-laga sa Traffic Enforcement Unit Sector 3, ay nadakip dakong 9:30 pm sa loob ng kanyang opisina makaraan tanggapin ang marked money.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nitong 31 Mayo, nasangkot sa banggaan ang sasakyang Mitsubishi adventure ni Elmie Mones sa CP Garcia, Brgy. UP Campus, ng nabanggit na lungsod.

Isang Renato Mones ang nagmaneho sa sasakyan nang mangyari ang insidente.

Ang lugar ay nasa area of responsibility ng Traffic Sector 3 na nag-imbestiga sa insidente.

Sa opisina ng Traffic Sector 3, nilapitan ni Tanghay si Mones at ina-lok ng tulong para sa police report sa halagang P7,000 upang mapabilis ang proseso.

Napagkasunduan na sa 4 Hunyo 2017 mag-abutan ng bayad.

Lingid sa kaalaman ng suspek, humingi ng tulong si Mones sa QCPD District Special Operation Unit (DSOU) kaya ikinasa ang entrapment ope-ration laban kay Tanghay.

Dakong 4:00 pm., i-naresto si Tanghay makaraan tanggapin ang P7,000 marked money mula sa biktima.

(ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved