Sunday , June 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / Panaginip mo, Interpret ko: Ex gusto nang umuwi sa bahay
Panaginip mo, Interpret ko: Ex gusto nang umuwi sa bahay

Panaginip mo, Interpret ko: Ex gusto nang umuwi sa bahay

To Señor H,

ANO pong meaning ‘pag napapaginipan mo ‘yung ex mo tpos pati mga pinsan ko napapaginipan sya na gusto na n’ya umuwi sa bahay pero natatakot lng daw siya sa papa ko.

Napaginipan ko po siya na birthday daw ng mama n’ya tpos buntis daw po ako, andoon daw po kmi sa bhay nla nagpi-picnic po buong pamilya daw po nla ano po ba meaning no’n? (09496744287)

To 09496744287,

Kapag nakita mo ang iyong ex-boyfriend sa iyong panaginip, ito ay maaaring nagpapaalala sa iyo ng mga bagay na hindi magaganda na nangyari sa inyo noong kayo pa. Posible rin naman na kapag nagkakaroon kayo ng misunderstanding o problema ng mister o BF mo (sakaling mayroon ka), nagkakaroon ng comparison sa isipan mo sa pagitan ng ex mo at iyong karelasyon — kaya lumalabas ang ex mo sa iyong panaginip.

Nagpapahiwatig ang bungang tulog mo ng kawalan o kakulangan ng komunikasyon.

Maaaring nagsasabi ito na nawala ang ilang aspekto ng iyong pagkatao o pakiramdam. Kung talagang wala ka nang feelings sa ex-BF mo, maaari rin namang kaya sumagi siya sa panaginip mo ay dahil sa mga bagay na nag-trigger kaya siya lumabas sa iyong bungang-tulog.

Mga halimbawa nito ang makita mo ang dating larawan ng iyong ex, maalala o makita ang dating regalong galing sa kanya, ma-meet o maalala mo ang mga dating kaibigan o kakilala ninyo, ang mapagawi ka sa lugar na madalas ninyong puntahan noon, ang marinig ang dating theme song ninyo at mga bagay na katulad nito.

Kung ganito ang sitwasyon, mas malamang na iyon ang rason kaya mo siya napanaginipan, kaya hindi mo na dapat pag-aksayahan ng panahon kaiisip pa sa panaginip mo.

Kapag naman nanaginip na ikaw ay buntis o mayroong buntis sa bungang tulog mo, ito ay simbolo ng aspekto sa iyong sarili o ilang aspekto ng iyong personal na buhay na lumalago o nade-develop. Maaaring ito ay nagsasabing ukol sa birth of a new idea, direction, project, o goal.

Alternatively, kung ikaw naman talaga ay naghahangad na mabuntis, ito ay maituturing na simbolo ng takot sa bagong responsibilidad.

Kung hindi ka naman talaga buntis at walang intensiyong magpabuntis, maaaring ang panaginip mong ito ay dahil lang sa ilang mga bagay na nagsilbing trigger para managinip nang ganito at wala naman talagang significance sa iyo at sa iyong sitwasyon, kaya hindi mo na ito dapat pang isipin.

Ang panaginip ukol sa bahay ay nagsasaad ng iyong sarili at ng iyong kaluluwa. Ang mga specific na bahagi o kuwarto ng bahay ay nagpapakita ng specific aspect of your psyche.

Sa pangkalahatan, ang attic ay nagre-represent ng iyong talino, ang basement naman ay nagre-represent ng unconscious side mo, etc. Kung ang bahay ay walang laman, ito ay nagpapakita ng feelings of insecurity, kung ito naman ay nagbabago, may kaugnayan ito sa mga personal na pagbabagong iyong pinagdadaanan o pagdadaanan pa lamang, pati na ang pagbabago ng iyong belief system. Kung ikaw naman ay nakulong sa bahay, ito ay may kaugnayan sa rejection at insecurity. Pakiwari mo, ikaw ay napag-iiwanan o iniwanan ng iba.

Kung lumang bahay ang napanaginipan mo, ito ay nagsasaad ng iyong old beliefs, attitudes at kung paano ka rati mag-isip o makadama. Alternatively, ang lumang bahay ay maaaring simbolo ng pangangailangan mong i-update ang iyong mode of thinking. Sakali namang nakita sa panaginip na nasira o may damage ang bahay, indikasyon ito ng iyong pag-aalala sa kalagayan at kondisyon ng inyong tahanan sa estadong ikaw ay gising o sa totoong sitwasyon. Señor H.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved