Tuesday , June 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kalamnan ng mga beki, nanginig: Daniel, Derrick at Tom, may pabukol
Kalamnan ng mga beki, nanginig: Daniel, Derrick at Tom, may pabukol

Kalamnan ng mga beki, nanginig: Daniel, Derrick at Tom, may pabukol

PINAGPIPISTAHAN ngayon sa social media ang naglalabasang photo nina Daniel Padilla, Derrick Monasterio, at Tom Rodriguez. Sino raw ang tunay na ‘Bukol King’ sa tatlo?

Maraming badikla ang sumaya sa mga naglabas ng larawan na kuha sa bagong serye ni DJ na La Luna Sangre. Bilang jeepney driver, pinag-uusapan ng mga bayot ang bukol ni DJ sa ripped jeans na suot.

Kaloka ang reaksiyon sa Twitter world dahil may tinitigan ang baba ng larawan ay may pabukol si Daniel. Nakanginginig ng katawan.

Matuk mo, nandoon ang focus ng netizens at talagang naglalaro ang imahinasyon ng mga beki.

Hindi rin nakaligtas si Tom Rodriguez dahil nagpipista ang mata ng mga bading na nakasuot ng underwear dahil pinagtatalunan kung photoshop ba ang nagmumura niyang bukol. Puwedeng-puwede na lumaban ng patigasan.

Hindi rin nakaligtas si Derrick dahil daks ito sa larawan niya na nagwa-wall climbing sa Ortigas Greenfields. Fans bonding ito.

Pinagkakaguluhan ang picture na ito sa site ng mga bading.

Sadyang pinagpala sina Daniel, Tom, at Derrick, huh!

ERIKA AT CARIASO
SA TATE IKAKASAL

MEMORABLE kay Erika Padilla ang pelikulang Can We Still Be Friends na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Arci Munoz dahil lilipad na siya sa States after ng premiere night ng pelikula. Showing na ang pelikula sa June 14.

“We’re going to fly to the States for our civil wedding,” sambit niya sa presscon ng CWSBF.

Pakakasal si Erika sa dating PBA champion na si Jeffrey Cariaso. Noong April nag-propose si Jeffrey kay Erika. Balak din nilang magpakasal sa July 2018 dito sa Pilipinas.

Six months preggy ngayon si Erika at nakatakdang manganak sa Oktubre.

Talbog!

JM AT NEIL, MAGPAPAINIT
SA BEYOND NAKED
BUDDIES VERSION 2

MAGPAPAINIT ang dalawang indie actors na sina JM Martinez at Neil Suarez sa prodyus ni Leklek Tumalad of Asia na Beyond Naked Buddies Version 2 sa June 10 sa The Music Hall ng Metrowalk Pasig City.

May pasabog din ang Bikini King na si Allen Molina at ang grand winner ng Beyond Naked Buddies year 1 na si Yael Del Rosario.

Beterano na si Leklek sa larangan ng bikini open na nagdidirehe at ngayon ay producer na rin.

“Nineteen years na po ako sa Bikini World. Ha!ha!ha. Waiter pa lang noon si Jordan Herrera sa bar at nakakasabay ko sa contest si Aleck Bovick. Tagal na! ha!ha!ha. Agent pa lang ako noon ng mga kontesero at kontesera,” kuwento ni Direk Leklek.

Sey pa niya, makulay, masaya at iba’t ibang karakter ng tao ang makikita sa bikini world. Marami pang kuwento na puwedeng isapelikula at gawing indie films.

Ibang-iba na rin ngayon ang bikini world dahil palaban na ang mga modelo sa entablado. Hindi gaya noong araw na bikini kung bikini lang. “Uso na ngayon ang t-back at ‘yung iba nagsusuot na rin ng may butas na swimwear sa harapan. ‘Yung  iba kamay na lang ang takip sa showdown, ha!ha!ha!,” pagsasalarawan ni  Leklek.

Sey pa nga niya, karamihan sa sumali sa Beyond Naked Buddies ay mga hubadero. Katuwang ni Direk Leklek na nag-prodyus si Ms. Shobi Dionela. Para sa ibang detalye tumawag sa 09274886886.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved