Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Holdaper utas sa shootout sa parak
Holdaper utas sa shootout sa parak

Holdaper utas sa shootout sa parak

PATAY ang isang lalaking hinihinalang holdaper makaraan maki-pagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek sa alyas na Andak, tinatayang 25-30 anyos, may taas na 4’10, nakasuot ng asul na T-shirt at ca-mouflage na short pants.

READ MORE:  Ngiti ng pinoy mahirap makalimutan — Pope Francis

Napag-alaman, dakong 12:30 am, dumulog sa himpilan ng pulisya si Joy Abelarde at ini-ulat na hinoldap siya ng isang lalaking armado ng patalim habang naghihintay ng jeep sa harap ng  Sta. Isabel College sa Taft Avenue.

READ MORE:  Erap, Makabayan bloc alyado sa eleksiyon 2016? (Pinatalsik noong 2001)

Agad nagresponde ang mga pulis at nang matiyempohan dakong 1:45 am sa Muelle Del Rio St., sa likod ng Post Office sa Ermita ay pinaputukan sila ng suspek.

READ MORE:  Robredo kinastigo ng LP Solons (Sa override ng SSS pension hike)

Mabilis na gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Narekober mula sa suspek ang limang sachet ng shabu, at isang .38 kalibre ng baril.

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved