Sunday , February 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Hawkeyes nakaresbak sa PBA D-League (Thunder dumalawang sunod)
Hawkeyes nakaresbak sa PBA D-League (Thunder dumalawang sunod)

Hawkeyes nakaresbak sa PBA D-League (Thunder dumalawang sunod)

BININGI ng Flying V Thunder ang Gamboa Coffee Mix Lovers, 119-105 upang iposte ang kanilang ikalawang su-nod na panalo habang nakabalikwas ang Cignal Hawkeyes mula sa unang talo sa pagbaon nila sa Zark’s Jawbreakers, 107-69 sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup Ynares Sports Arena sa Pasig City kahapon.

Sinundan ni Jeron Teng ang kanyang pagputok sa 33 puntos kontra Cignal noong nakaraang linggo ng mas matinding 35 puntos upang pangunahan ang atake ng Flying V at solohin ang lide-rato sa liga sa 2-0 kartada.

Sumuporta sa kanya si Eric Salamat at Gab Banal sa kanilang 20 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Tanging si Val Acuna lamang sa kanyang 22 puntos ang nakapagpasiklab para sa Gamboa na nahulog sa 1-1 ang kartada.

Samantala, kagagaling lamang sa masaklap na 84-86 pagkatalo sa Flying V noong opening day, ibina-ling ng Hawkeyes ang kanilang ngitngit sa Zark’s nang iwan agad nila sa halftime pa lamang, 46-25. Hindi na nilingon pa ng Hawkeyes ang Jawbreakers buhat noong rekta sa kanilang unang panalo sa liga.

Umangat sila sa 1-1 kartada ang Cignal habang lagpak sa 0-2 ang Zark’s na natalo rin sa Gamboa sa opening day noong nakaraang linggo.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved