Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Half-brother at madrasta ni Pia, umangal; Ipinalabas sa MMK, mali
Half-brother at madrasta ni Pia, umangal; Ipinalabas sa MMK, mali

Half-brother at madrasta ni Pia, umangal; Ipinalabas sa MMK, mali

MUKHANG hindi nagustuhan ng half-brother ni Pia Wurtzbach na si Alexander at ina nitong si Robie Asingua ang MMK story ng 2015 Miss Universe na ipinalabas nitong Sabado dahil may mali raw sa kuwento ng dating beauty queen.

Iniangal ng mag-inang Alexander at Robie na hindi sila nanghingi ng tulong pinansiyal kay Pia noong nagkasakit ang ama nito at hindi rin nagustuhan ng una na siniraan ang kanyang tatay.

READ MORE:  Yaya Dub makakasama na ni Alden sa Festival movie nina Bossing Vic at Aiai (AlDub Nation pwede nang magbunyi)

Masasakit na salita ang mga ipinost ng mag-ina sa kanilang FB account bagay na hindi na namin inilathala pa.

READ MORE:  Paulo Avelino, matagal nang pangarap makatambal si Bea

Nabanggit din ng half-brother ni Pia na magpalit na lang siya ng pangalan at huwag gamitin ng namayapang ama.

Noong nanalo si Pia bilang 2015 Miss Universe ay hindi umeksena ang mag-inang Robie at Alexander marahil ay ayaw nilang masabihang nakikisawsaw.

READ MORE:  LizQuen, gagawa ng teleserye kasama ang JaDine/KathNiel

Pero nang mapanood nila ang Maalaala Mo Kaya ay at saka sila umalma.

Kailangan sigurong klaruhin ni Pia ang isyung ito sa kanyang half-brother at sa ina nito.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved