Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Feng Shui: Blocking walls buksan
Feng Shui: Blocking walls buksan

Feng Shui: Blocking walls buksan

SURIIN ang 3 potentially challenging feng shui walls location.

*Ang unang mahalagang feng shui wall ay ang dingding na iyong makikita bago matulog at sa iyong paggising. Ang lahat ng bagay sa inyong bedroom ay konektado sa inyong energy field, lalo na ang mga bagay, imahe at kulay sa dingding na nakaharap sa inyong kama.

Mag-focus sa pagkakaroon ng bedroom na magre-reflect sa kalidad ng enerhiya na nababagay sa inyong pangarap, karakter at personalidad. Tandaan na ang ilang imahe at elements ay bad feng shui para sa bedroom, katulad ng tubig, big mirrors na nakaharap sa kama, gayondin ang mga imahe na hindi nararapat sa bedroom katulad ng mararahas o nakalulungkot na mga imahe.

READ MORE:  Ang Zodiac Mo

*Ang pangalawa sa feng shui importance ay ang dingding na iyong makikita sa pagpasok mo sa inyong bahay o business space. Kung ikaw ay nakaharap sa dingding sa pagpasok sa inyong business space o bahay, mag-focus sa paglalagay rito ng beautiful high quality ng enerhiya.

READ MORE:  Luho ng mga Sikat –Part 3

Magagawa mo ito sa pamamagitan ng art, o big wall mural, hilera ng matataas na halaman, masiglang paintings o lahat ng mga ito. Tandaan na huwag isasabit ang big mirror sa harap ng pintuan (lalo na sa front door) dahil itataboy nito ang Chi, o ang enerhiya, palayo, kaya ikinokonsiderang bad feng shui.

*Ang pangatlo ay ang dingding na nakaharap sa iyo habang ikaw ay nagtatrabaho sa iyong desk. Kung nakaharap ka sa dingding sa iyong workspace sa buong araw, ang iyong personal energy ay napipigilan o nahaharangan.

READ MORE:  Amazing: Bestida yari sa bulaklak

Ang solusyon dito ay ang pagsasabit ng good art o mga larawan ng mga lugar na magiging inspirasyon sa iyo, o ng mga taong nakatulong sa iyo sa iyong paglago, o ng mga taong iyong hinahangaan, magsabit ng mga diploma, certifications, etc.

ni Lady Choi

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved