Monday , June 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Female singer, isinusuka ng mga kapitbahay
Female singer, isinusuka ng mga kapitbahay

Female singer, isinusuka ng mga kapitbahay

NAKAHIHIYA ang sinapit ng isang female singer sa mata ng kanyang mga kapitbahay sa isang exclusive subdivision.

Ang siste, bigla na lang daw nawalan ng koryente sa magarang bahay nito. Noong una’y inakala lang ng mga tao roon na nag-brownout, pero ang totoo, naputulan ng ilaw ang mahusay na mang-aawit.

“’Pag tingin kasi ng mga tao sa labas, may ilaw naman ang mga kapitbahay nila. Bukod-tanging sa bahay lang ni (pangalan ng singer) nawalan ng ilaw. Naku, buti nga sa kanya!” pagtataray ng isang neighbor.

Isinusuka pala kasi ng mga kalapit nitong homeowners ang maangas na ugali ng singer. Porke raw ba isa siyang sikat na celebrity ay lisensiyado siyang mag-ingay kahit dis-oras na ng gabi sa tuwing may party sa kanyang bahay?

Hindi raw ba alam ng singer na may batas na ipinatutupad ang barangay? Ano siya, exempted sa mga batas na ‘yon just because she’s a popular singer?

Da who ang female singer na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Issa Agustin.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved