Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Cignal markado sa PSL
Cignal markado sa PSL

Cignal markado sa PSL

NAKATUTOK halos lahat ng teams sa Cignal HD Spikers sa simula ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference ngayong sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Sariwa sa training camp sa Japan, markado ang ilan sa ipinagmamalaki ng HD Spikers na mga national team members.

Ayon kay Cignal coach George Pascua, nag-umento ang laro nina Rachel Anne Daquis, Jovelyn Gonzaga, Honey Royse Tubino, Mylene Paat at Steph Mercado matapos nilang makipagsabayan sa best university at club teams sa Japan.

Patitibayin ng HD Spikers ang kanilang depensa sa event na suportado ng Belo, Rebisco, Asics, Mikasa, Senoh at Mueller habang TV5 ang official broadcast partner.

“One thing that we learned in our training in Japan is to come up with a strong blocking and consistent reception,” saad ni Pascua. “Rachel (Daquis), Jovelyn (Gonzaga), Royse (Tubino) at Steph (Mercado) can take care of our offense. It will always be there. So we have to work hard on defense, especially our blocking and reception, to come up with a perfect team.”

Matapos ang one-conference leave of absence ni mentor Sammy Acaylar, magbabalik ito upang gabayan ang Sta. Lucia Lady Realtors na hindi nakatikim ng panalo nakaraang Invitational conference.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved