Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bistek, ‘di pasado sa anak ni Tetay na si Bimby
Bistek, ‘di pasado sa anak ni Tetay na si Bimby

Bistek, ‘di pasado sa anak ni Tetay na si Bimby

MUKHANG bored na si Kris Aquino sa mga lalaking maya’t maya na lang na iniuugnay sa kanya gaya kay Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Unless gusto lang nitong iligaw ang mga netizen.

Nakasama sa listahan ni Kris ang mga gusto niyang makita sa susunod na lalaking magmamay-ari sa puso niya.

Marami ang napupulot sa kanyang Heart to Heart with Kris.

“I am a sum total of my life experiences. I no longer want to erase the bad, neither do I want to shine a spotlight on them. But I do want to share my life lessons. And not be embarrassed because without them I would not be me.”

Pero ang pinag-uusapan ay ang naibahagi nito sa kanyang Instagram tungkol sa papasang manliligaw niya.

Ang hirit niya, “Pwedeng maging choosy? Age dapat plus or minus 7, dapat non smoker, has to love reading, works out (ayaw ni kuya & bimb ang hindi fit), prayerful, and hard working.

“Bawal ang drugs & gambling. And most importantly good conversationalist & listener. Oh & clear, smooth skin. (Prayer list namin ‘to ni Bimb).”

May dagdag pa, “Flowers everyday are romantic, but I pray for lasting love… Someone who will plant a garden with me (preferably in a greenhouse in Tarlac) and we’ll share a life until all our herbs fully mature, our organic produce are edible and our flowers bloom.”

At sa kanyang pakikipagsagutan sa ilang netzens, mayroon ding patola sa kanya o pumapatol na nagpapalagay na tila sila manliligaw.

Mayroon na ngang gusto siyang kilitiin araw-ataw na handa ng magtanim ng mga ito para sa kanya.

Sabi naman ng iba, baka inililigaw lang ng nagsabing inihahanda na ang fitting niya para sa Crazy Rich Asians this month.

Si Bautista lang kasi ang patuloy na idinidikit sa kanya at nababalita.

Smoker. Check. No abs. Check.

Pero speaking of her kids, lalo na si Bimby, talagang ito ang nagsasabi sa Mama niya if he likes the guy his Mom is being friends with. Ang bulong, mukhang hindi pasado si Mayor kay bagets. Kaya ang mgau miikot na balita ngayon, ginu-groom ni Mayor na tumakbong Mayor ng QC ito in the future. Ganern?

Nagliwaliw muna ang mag-iina sa Japan para magamit ang mileage ng isang international carrier, bago inasikaso ni Kris ang personal na pamimili ng mga gamit para sa back-to-school ng mga ito sa paborito niyang National Bookstore.

Happy siya with her online blogs.

Lalo at nakita na rin doon ang naibahagi niyang hirap at ginhawa sa paglilipat sa kanyang bagong mansion.

HARDTALK – Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved