Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Binatilyo itinumba sa Laguna
Binatilyo itinumba sa Laguna

Binatilyo itinumba sa Laguna

ISANG bangkay ng binatilyo ang natagpuan sa isang madamong lugar sa San Marcos Extension, Brgy. Balian, Pangil, Laguna, kahapon ng umaga.

Ang biktimang hindi pa nakikilala ay may taas na 5’4, tinatayang 15-18 anyos, nakasuot ng asul na T-shirt at brown shorts.

READ MORE:  125 katao napatay ng riding-in-tandem (Sa loob ng 1 buwan) — PNP data

Sa ulat ng pulisya, dakong 9:45 am nang matagpuan nina Erson Babala Garcia, 37, at Mervin Babala Garcia, 22, kapwa residente sa Brgy. Balian, ang bangkay ng biktima sa masukal na bahagi ng nabanggit na lugar.

READ MORE:  Kelot binote ng mag-utol (Sa kantyaw na madalas makitagay)

Agad nila itong ipinagbigay-alam sa mga opisyal ng barangay dakong 9:55 am, na siyang tumawag sa himpilan ng Pangil MPS.

READ MORE:  PRIME MINISTER OF SOCIALIST REPUBLIC OF VIETNAM. Nag-alay ng...

Sa imbestigasyon, ang biktima ay may mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (BOY PALATINO)

COMMENTS

About Boy Palatino

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved