Monday , July 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arjo sa kanyang ‘pap’s Coco — Babawi rin ako sa iyo
Arjo sa kanyang ‘pap’s Coco — Babawi rin ako sa iyo

Arjo sa kanyang ‘pap’s Coco — Babawi rin ako sa iyo

AMINADO si Arjo Atayde na nalungkot siya nang mamatay na ang karakter niyang Joaquin Tuazon sa aksiyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil nami-miss niya ang lahat ng kasamahan niya sa set.

Kaya naman pinasalamatan niya rati pa ang lahat ng taong nakatulong sa kanya sa serye mula sa utility, staff and crew at sa co-stars niya, Dreamscape Entertainment bosses headed by Deo T. Endrinal at ABS-CBN.

Siyempre, may special message siya kay Coco Martin na tinawag niyang Paps.

Base sa post ng aktor sa kanyang FB account na kasama ang litratong magkasama sila ni Coco sa huling taping day niya, “No one will ever know how much you’ve helped me. Maraming-maraming salamat sa turo at gabay. 2 taon tayong nagkasama and no one can replace the memories and brotherhood we’ve built throughout that span of time.

“From day 1 till the end hindi mo ako pinabayaan. One day paps makakabawi din ako sayo hindi ko alam kung paano pero babawi ako. Walang Joaquin kung hindi dahil sayo. Maraming-maraming salamat paps isang tawag lang anytime kung kontrabida mo dito lang ako. I love you so much paps, take care always man, dadalaw ako sa taping. #TeamPromdi forever paps. mamimiss kita katrabaho.”

At kaya ‘paps’ ang tawag ni Arjo, ibig sabihin ay brotherhood. Ito ang tawagan ng lahat ng CIDG boys tulad ng paps John (Prats), pareko.

#OPERATIONTABA
WITH SYLVIA

Speaking of pagtakbo ay may #operationtaba si Arjo sa Ultra at isinama niya ang nanay niyang si Sylvia Sanchez na ilang round tinatakbo ang buong oval para pumayat silang dalawa.

Isang buwan ang #operationtaba program ng mag-ina para fit na fit sila at kasama nila ang kanilang instructor at kahapon ay nakita naming kasamang tumatakbo ni Ibyang si Ms Elma Muros, Southeast Asian Games champion simula 1983.

As of this writing ay wala pang alam si Arjo kung ano ang next project niya sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

HALF-BROTHER
AT MADRASTA NI PIA,
UMANGAL; IPINALABAS
SA MMK, MALI

MUKHANG hindi nagustuhan ng half-brother ni Pia Wurtzbach na si Alexander at ina nitong si Robie Asingua ang MMK story ng 2015 Miss Universe na ipinalabas nitong Sabado dahil may mali raw sa kuwento ng dating beauty queen.

Iniangal ng mag-inang Alexander at Robie na hindi sila nanghingi ng tulong pinansiyal kay Pia noong nagkasakit ang ama nito at hindi rin nagustuhan ng una na siniraan ang kanyang tatay.

Masasakit na salita ang mga ipinost ng mag-ina sa kanilang FB account bagay na hindi na namin inilathala pa.

Nabanggit din ng half-brother ni Pia na magpalit na lang siya ng pangalan at huwag gamitin ng namayapang ama.

Noong nanalo si Pia bilang 2015 Miss Universe ay hindi umeksena ang mag-inang Robie at Alexander marahil ay ayaw nilang masabihang nakikisawsaw.

Pero nang mapanood nila ang Maalaala Mo Kaya ay at saka sila umalma.

Kailangan sigurong klaruhin ni Pia ang isyung ito sa kanyang half-brother at sa ina nito.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved