Monday , June 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pacquiao nasa GenSan na para sa pagsasanay
Pacquiao nasa GenSan na para sa pagsasanay

Pacquiao nasa GenSan na para sa pagsasanay

NASA General Santos City na si Manny Pacquiao kasama ang kanyang kampo upang doon ipagpatuloy ang pagsa-sanay para sa laban niya kontra Jeff Horn  sa  2 Hulyo.

Lumipad sila patu-ngong timog ng bansa kahapon ng u-maga  sa  kabila ng ipinatutupad na Batas Militar sa buong kapuluan ng Min-danao para sa mas puspusan at pribadong pagsasanay.

Nag-ensayo si Pacman sa Elorde Gym sa Pasay City nang isang buwan bago tumungo sa Gensan, kasama ang  buong Team Pacquiao sa  pamununo ng long-time at hall of fame trainer na si Freddie Roach at conditioning coach na si Justine Fortune.

Ngunit bago tumungo sa GenSan ay sumalang muna  si  Pacquiao sa ma-tinding sparring kontra sa mga kaparis ng estilo ni Horn.

Sumabak siya ng tatlong rounds kontra George Kambosos Jr., ayon  kay  Aquiles Zonio ng Phil-Boxing.com.

Gayondin,  dalawang rounds kontra Pinoy na si Leonardo Doronio at 4 rounds kontra Mexicanong si Adrian Young.

(JBU)

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved