Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sumbungerong lolo kritikal sa saksak
Sumbungerong lolo kritikal sa saksak

Sumbungerong lolo kritikal sa saksak

KRITIKAL ang kalagyan sa pagamutan ng isang 69-anyos lolo nang saksakin ng isang sidecar boy na kanyang inginuso sa kanilang barangay bunsod nang panggugulo sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Philippine General Hospital ang biktimang si Ramon dela Pasion, residente sa F. Muñoz St., Singalong.

READ MORE:  Magpinsang nasunugan kritikal sa kuyog

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang arestadong suspek na si Dexter Hayag, 25, pedicab driver, at residente sa San Isidro St., Singalong.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District Police Station 9, naganap ang insidente dakong 12:00 am. sa Muñoz Ext., San Isidro St.

READ MORE:  Globe at Facebook nagsanib-puwersa! (Pagbibigay ng libreng internet access sa 36 milyong Filipino)

Sinasabing isinumbong ng biktima ang suspek sa barangay dahil sa panggugulo sa kanilang lugar.

Ngunit hindi natagpuan ang suspek dahil mabilis na nakapagtago kaya umalis ang barangay officials.

Nang mabatid ng suspek na umalis na ang barangay officials ay pinuntahan niya ang biktima at inundayan ng saksak.

READ MORE:  Biyuda ng drug pusher laglag sa shabu

Pagkaraan ng insidente ay mabilis na nadakip ang suspek ng mga tauhan ng Arellano Police Community Precinct sa lugar. (BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved