Thursday , October 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Joyce Bernal, humahanga kay Gil Cuerva
Direk Joyce Bernal, humahanga kay Gil Cuerva

Direk Joyce Bernal, humahanga kay Gil Cuerva

MARAMING mga kababaihan ang nagulantang noong pinanood ang bagong serye nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

Sa mga hindi pa gaanong nakakakilala kay Gil, akala nila isa itong girlalu at nabigla nang mapanood na nakikipaghalikan kay Jen.

Magkasing-ganda kasi sina Jen at Gil kaya aakalain mong babae ang huli kahit tipong mahaba ang buhod ng binata.

Totoo kaya ang balita na humahanga si Direk Joyce Bernal sa bago niyang ibini-build-up na actor? Masuwerte naman si Gil kung totoo ang tsika.

Anak ni Barbara Milano, gumradweyt na Cum Laude

PROUD ang aktres at dating Talavera, Nueva Ecija Councilor na si Barbara Milano sa kanyang anak na gumradweyt kamakailan bilang Cum Laude sa  kursong Med Tech.

READ MORE:  Sarah at Lovi, mawawala ng 1 buwan

Nag-iisang anak ni Barbara si Queenie Rica na nag-aral sa University of Sto. Tomas.

Kuwento ni Barang, mahilig mag-artista ang kanyang anak pero gusto niyang tapusin muna nito ang pagiging doktora.

Bagamat nag-iisang anak si Queenie, hindi ito spoiled bagkus ayu marespeto. Mabait ding anak si Barbara na mapagmahal sa magulang kaya marahil patuloy ang blessings na dumarating sa kanya.

Sana ay matuloy din ang guesting niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na paborito rin niyang panoorin.

READ MORE:  Dyesebel, reyna pa rin ng Primetime TV (Summer treat nina Anne, Gerald, Andi at Sam, dinumog libo-libong fans)

Bagets na BF ni Paolo, walang takot na inilalathala sa social media

MARAMI ang nagtatanong kung bakit biglang iniladlad ni Paolo Ballesteros ang kanyang kaugnayan sa boyfriend niyang bagets?

At wala rin siyang takot ipakilala iyon at ilathala sa social media?

Ano kaya ang say ng mga kapatid niya sa KalyeSerye na sina Jose Manalo at Wally Bayola?

Mabuti sana kung may interesadong mga tagahanga na makaalam sa kaniyang lovelife.

Parokya ni Edgar, natuloy sa Buntal Hat Festival

BAGAMAN inulan, natuloy din ang Parokya ni Edgar sabay sa Buntal Hat Festival ng Baliuag. Patuloy na pinagaganda ni Mayor Ferdie Estrella ang bayan ng Baliuag.

READ MORE:  Maine at Alden, naghalikan sa dilim

Wala na ang mga nakakalat na mga tricycle, malinis na ang kapaligiran, at may disiplina ang mga tao sa pagtawid sa daan.

Kahilingan lang nga mga taga-Baliuag n asana ay maging priority ng mga taga-Baliuag na magkaroon ng negosyo at unahing bigyang kaginhawahan ang mga tubong Baliuag at pusong Baliuag at huwag ‘yung pabor lamang sa mga dayuhan.

Congratulations sa mga napiling Ginoo at Binibining Baliuag 2017 na sina Mary Rose Pineda, student ng Baliuag University at Mr. Baliuag Renz Garcia, student ng Fernandez College.

SHOWBIGVir Gonzales

COMMENTS

About Vir Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved