Wednesday , October 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ogie Diaz, itinangging ginapang niya si Liza Soberano para maging Darna
Ogie Diaz, itinangging ginapang niya si Liza Soberano para maging Darna

Ogie Diaz, itinangging ginapang niya si Liza Soberano para maging Darna

TAPOS na ang espekulasyon kung sino ang bagong Darna. Si Liza Soberano na ang bagong Darna at lulunok ng mahiwagang bato! Pero ang kabuntot naman ng balitang ito ay ang pang-iintriga sa manager ng magandang aktres na si katotong Ogie Diaz.

Magkahalong biro at sarcasm naman ang naging tugon ni Ogie sa mga nang-iintriga sa kanya via his Facebook account.

READ MORE:  Alden at Maine, lalo pang sisikat

“Ginapang ko daw yung Darna para mapunta kay Liza Soberano.

“Sorry po, hindi naman ako ganun ka-powerful para manggapang ng project para sa alaga ko.

“Eh, kung nakuha lang pala sa gapangan yang Darna eh di sana, nabalitaan nyo na rin na ako ang gaganap na Ding.”

Bago ang intrigang ito, sa aming pakikipag-chat kay Ogie ay ipinahayag niya ang sobrang kagalakan sa pagkakapili kay Liza bilang Darna.

READ MORE:  Career ni Sharon, bumobongga na naman

Wika ni Ogie, “I’m so happy na finally, in-announce na ang gaganap na Darna. At isang challenge ito kay Liza Soberano.”

Dagdag pa ng komedyanteng napapanood sa Home Sweetie Home tuwing Sabado ng gabi, “Sobrang happy ang bagets dahil alam niyang gustong-gusto rin siya ng dating gumanap na Darna na si Angel Locsin. Sa katunayan, binigyan siya ng Darna komiks ni Angel para magkaroon siya ng idea.”

READ MORE:  Sarah Geronimo, gustong ipakita ang galing bilang aktres

Kung may mga mangilan-ngilan mang bitter sa pagkakapili kay Liza bilang Darna, mas marami naman ang natutuwa at naniniwalang bagay na bagay maging Darna si Liza!

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved