Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 6 Marawi cops missing-in-action
6 Marawi cops missing-in-action

6 Marawi cops missing-in-action

ANIM pulis ang hindi pa natatagpuan habang patindi ang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at local terror group Maute sa Marawi City, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, Dir. Gen. Ronald dela Rosa.

“Mayroon tayong mga missing-in-action na hindi pa na-account na anim dahil nga itong mga local police ng Marawi hindi pa makontak,” pahayag ni Dela Rosa nitong Martes ng hapon.

“’Yung mga nasa loob ng downtown area kung saan ‘yung kasagsagan noong labanan, so hindi pa natin malaman kung ano ang sitwasyon nila. Sana maganda ang progress ng ating clearing operation,” dagdag niya.

Aniya, tatlong pulis ang napatay habang tatlo ang sugatan sa pa-kikipagpalitan ng putok. Dalawa sa namatay ay kinilalang sina S/Insp. Freddie Solar at S/Insp. Edwin Placido.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved