Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Shabu lab natuklasan sa Kyusi (200 kilo kada araw kayang gawin)

Shabu lab natuklasan sa Kyusi (200 kilo kada araw kayang gawin)

SINUSURI nina QCPD director, C/Supt. Guillermo Eleazar at PDEA-NCR Director Wilkins Villanueva ang mga sangkap na kemikal sa paggawa ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa nadiskobreng shabu laboratory sa Carolina St., Brgy. Baesa, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

SINUSURI nina QCPD director, C/Supt. Guillermo Eleazar at PDEA-NCR Director Wilkins Villanueva ang mga sangkap na kemikal sa paggawa ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa nadiskobreng shabu laboratory sa Carolina St., Brgy. Baesa, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

SINALAKAY ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) ang isang abandonadong shabu laboratory na kayang gumawa ng 200 kilo ng shabu kada araw, sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ayon kay QCPD director, Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Eleazar, kasama ang grupo ng PDEA-National Capital Region, na pinamumunuan ni Director Wilkins Villanueva, nang salakayin dakong 9:00 am ang shabu laboratory sa Carolina St., Brgy. Baesa, Quezon City, sa bisa search warrant na ipinalabas ng Que-zon City Regional Trial Court.

Nakompiska sa pagawaan na isang mala-king warehouse ang timba-timbang iba’t ibang klase ng kemikal na sangkap sa paggawa ng shabu, at mga makina na nakagagawa nang hanggang 200 kilo ng shabu kada araw.

Sinabi ni Eleazar, ang warehouse ay inuupahan ng isang Hong Kong National na si Kwok Kuen Yu noon pang 2015, at isang beses lang nagpakita sa Filipinas.

Dagdag ni Eleazar, noong pang Nobyembre 2016, inabandona ang shabu lab simula nang maghigpit ang mga awtoridad sa giyera laban sa droga. (ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved