Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 batang iniwan sa kotse sinagip ng MMDA sa QC (Makina at aircon patay)
3 batang iniwan sa kotse sinagip ng MMDA sa QC (Makina at aircon patay)

3 batang iniwan sa kotse sinagip ng MMDA sa QC (Makina at aircon patay)

NADISKOBRE ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang batang lalaki at isang batang babae sa loob ng sasakyan na hihilahin sana dahil ilegal na nakaparada sa labas ng Commonwealth Market, nitong Martes ng umaga.

READ MORE:  Roxas iniwanan si Binay sa SWS Poll

Sa pangambang ma-suffocate ang mga bata sa loob ng kotse na bahagyang nakababa ang bintana, nakapatay ang makina at aircon, puwersahang binuksan ng mga tauhan ng MMDA ang pinto upang mabigyan sila ng inomin.

READ MORE:  4 patay, 14 sugatan sa gumewang na dump truck

Makaraan ang 30 minuto, bumalik ang kanilang ina at tiyahin mula sa pamamalengke.

Ngunit sinamahan sila sa opisina ng barangay upang paalalahanan huwag itong ulitin dahil maituturing na pang-aabuso sa mga bata ang pag-iiwan sa kanila sa isang mainit at kulob na sasakyan.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved