Thursday , April 25 2024
Duterte Marcos Martial Law
Duterte Marcos Martial Law

Maayos na ipatupad ang Batas Militar

ANG ginawang pagsuporta ng taongbayan sa pagdedeklara ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay patunay na ang hakbang na ito ang magbibigay ng solusyon para wakasan ang terorismo ng Maute group sa Marawi City.

Wasto at makatuwiran ang pagpapairal ng Martial Law sa Marawi City para mabigyan ng katiwasayan  ang mga sibilyan sa kani-kanilang lugar at mahinto ang paglaganap ng terorismo sa buong kapuluan ng Mindanao.

Kasabay ng pagpapatupad ng Batas Militar sa buong Mindanao, kailangan tiyakin ng pamahalaan ni Duterte na walang sundalong mang-aabuso sa mga sibilyan, at magpapatuloy ang maayos na pagbibigay ng basic services sa mamamayan.

Hindi natin gugustuhin ang nangyari noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na dahil sa ginawang pagmamalabis at pang-aabuso ng military, pulis at maging ng iba pang mga opisyal ng pamahalaan, napilitan ang maraming mamamayan sa Mindanao na lumaban at sumanib sa mga grupong rebeldeng Muslim.

Nakakatakot ang naging resulta ng pag-aalsa ng mga taga-Mindanao dahil maraming buhay ang naibuwis sa bahagi ng mga rebelde at sundalo ng pamahalaan.  Hindi mangyayari ang ganitong pangitain kung magiging maingat ang pamahalaan ni Duterte na hindi gayahin ang ginawa ng military noon, na dahilan para maipit sa giyera ang mga sibilyan at sa kalaunan ay napilitang lumaban na rin sa kanila.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *