Thursday , April 25 2024

Turismo ng bansa apektado na naman

ISANG napakalaking dagok sa turismo ng buong bansa ang dinudulot ng kaguluhan sa Marawi City dala ng Maute group kasabay pa nito ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Ang Department of Foreign Affairs na mismo ang naglabas ng advisory para sa mga turistang nagbabalak magbakasyon at mamasyal sa bansa partikular na sa Timog Kanlurang Mindanao at Sulu Archipelago.

Isang pangunahing dahilan ng travel advisory ang malaking banta ng terorismo hindi lang sa Mindanao kundi sa buong bansa dahil sa mga posibleng pag-atake ng mga terorista gaya ng Maute group na hanggang sa kasalukuyan ay naghahasik pa rin ng lagim sa lungsod ng Marawi.

Ipinag-aalala ng DFA ang posibilidad na ibaling ng mga terorista sa mga banyaga ang paghahasik ng kaguluhan at maaring maging biktima sila ng kidnapping at patayan.

Bukod dito, ipinangangambang maari rin silang maipit sa labanan ng mga sundalong Filipino at mga miyembro ng Maute group.

Ilan sa mga bansang naglabas ng travel advisories ang Estados Unidos, Canada, United Kingdom, at Australia na iwasan ang katimugang  bahagi ng bansa dahil sa banta ng terorismo.

Ayon sa travel advisories ng mga naturang bansa, lubos na pinag-iingat ang mga turistang papuntang Filipinas dahil sa kaguluhan sa Marawi City.

Nakababahala rin kung aabot ang kaguluhan sa Kamaynilaan at maging target ang mga Central Business Districts (CBD’s) gaya ng Makati at Bonifacio Global City (BGC) na tiyak na makaapekto nang malaki sa pambansang ekonomiya.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi natin tiyak ang takbo ng utak ng mga teroristang nasa likod ng pag-atake sa Marawi City kung ang paghahasik nila ng kaguluhan ay maaring umabot pa hanggang sa Kamaynilaan.

Lubusang pag-iingat at pagiging alerto ang natatanging sandata ng mga simpleng mamamayan saan mang panig ng bansa upang maging ligtas mula sa terorismo.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *