Friday , June 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bagman at asungot kinakaladkad si Batangas PD Supt. Randy Peralta at PR-4A RD Gen. Ma O R Aplasca (Attention: PCSO Chair Jorge Corpuz)
Bagman at asungot kinakaladkad si Batangas PD Supt. Randy Peralta at PR-4A RD Gen. Ma O R Aplasca  (Attention: PCSO Chair Jorge Corpuz)

Bagman at asungot kinakaladkad si Batangas PD Supt. Randy Peralta at PR-4A RD Gen. Ma O R Aplasca (Attention: PCSO Chair Jorge Corpuz)

Aba, kainam naman pala ng isang nagpapa-kilalang bagman ngayon ni Batangas Provincial Director (PD) Supt. Randy Peralta na tawagin nating Mr. DDB alyas BIG BOY.

Take note, mayroon pang asong asungot ‘yan na nagpapakilalang isang LUIS HUROTA as in hurot (ubos ang ibig sabihin sa mga Bisaya).

Ipinagmamalaki umano ng dalawang ungas na mayroon na umanong ‘go signal’ si PD na buksan na ang lahat ng illegal gambling sa Batangas at sa buong Region 4A.

Kaya isa-isa umanong pinagkakausap ng dalawang gago ang lahat ng mga operator ng iba’t ibang illegal na pasugalan sa lalawigan ng Batangas at sa buong Region-4A na pinamumunuan ni Regional Director (RD) Gen. Ma O R Aplasca.

Panay umano ang tara agad ng dalawang ungas sa lahat ng operator ng illegal gambling.

At talagang sumisirit hanggang langit ang tara at intelihensiyang kinokotong nila.

Kaya hayun paldong-paldo ang bulsa ng dalawang ungas dahil ipinangangalandakan na may ‘go signal’ sila mula kina Gen. Aplasca at Supt. Peralta.

Mabanggit palang daw ang pangalan nina Big Boy at Luis Hurot nag-iiyakan na ang mga ilegalista sa laki ng hinihinging ‘tongpats’ sa kanila ng dalawang ungas na walang bukambibig kundi sina PD Peralta at RD Aplasca.

Gen. Aplasca and Kernel Peralta, mga Sir, hindi pa ba sumasakit ang ulo ninyo sa dami ng bukol!?

Araykupo!

HANGA KAY PD30

SIR Jerry, nakatutuwa naman sa ibang bansa pa tatanggap ng honorary degree ang ating pangulong Duterte matapos niyang tanggihan ang parangal mula sa UP.

+63198919 – – – –

GALIT SA MGA MAMBABATAS

GOOD am Ka Jerry, ‘yan mga mambabatas natin dapat i-firing squad. Kasi ang mga batas na ginagawa ay pahirap sa taongbayan. May batas ba silang ginawa na gumaan ang buhay ng Filipino?

63915438 – – – –

ASAR SA LTFRB
BOARD MEMBER

Sir ‘yan si LTFRB board member Lizada puro dakdak at pabida kay Duterte. Pati Rosaryo pinag-iinitan. Sagabal daw. Ayusin nga muna ninyo ang trapik at kolorum bago nila pakialaman kaming mga driver. Bweset!

+63916595 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved