Friday , June 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bagets itinumba sa computer shop
Bagets itinumba sa computer shop

Bagets itinumba sa computer shop

PATAY ng isang 17-anyos binatilyo makaraan barilin sa ulo ng hindi nakilalang lalaki sa loob ng isang computer shop sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Marvin Galicio, isang out of school youth, at residente ng Parola Compound.

Ayon sa ulat ng Manila Police District, naglalaro ang biktima sa “pisonet”cafe sa lugar nang bigla siyang binaril ng suspek.

Pagkaraan ay tumakbo palayo ang suspek, na ayon sa mga saksi ay nakasuot ng sombrero, gray polo shirt, may taas na 5’7″ at tinatayang nasa edad 30-35.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng motibo sa insidente.

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved