Monday , October 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / AWOL MPD cop bagman sa dalawang presinto?! (Napalusutan si Gen. Coronel at Gen. Albayalde)
AWOL MPD cop bagman sa dalawang presinto?! (Napalusutan si Gen. Coronel at Gen. Albayalde)

AWOL MPD cop bagman sa dalawang presinto?! (Napalusutan si Gen. Coronel at Gen. Albayalde)

Nakatanggap na naman tayo ng mga impormasyon mula sa ilang matinong pulis-Maynila na ito palang sikat na bagman ng MPD na si alias Sarhentong BOY BU-WONG ay hindi lang isang presinto ang hawak kundi dalawa pa ngayon?!

Hawak raw nito ang lahat ng ‘parating’ sa PS3 at PS2!

Sonabagan!!!

Bilib naman ako talaga sa kapalmuks na pulis na ‘yan. Mantakin n’yo, siya lang ang pulis-MPD na ipinatapon sa Basilan ang napalusutan si NCRPO Chief Gen. Oscar Albayalde.

Nagsakit-sakitan at sabay AWOL pero sa lakas maghatag sa mga bossing ay balik na naman sa pangongolektong sa Maynila!

Hayop ka talaga Bu-Wong!

FYI MPD DD Gen. Joel Coronel, sa dami ng perang pumapasok ngayon kay Sarhentong Boy Bu-Wong ay madalas siyang makita ngayon na naka-check-in pa sa Manila Grand Opera hotel at pakasi-casino lang tuwing gabi?!

Ito pa ang mabigat Sir Jigz, ipinagyayabang ng hinayupak na may right-konek raw siya kay Tatay Digong kaya hindi siya masibak-sibak sa MPD?!

Anak ng Kotong!!!

Ganyan ba talaga katindi ‘yan, Gen. Oscar Albayalde?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Iba ang justice sa California, USA kaysa katarungan sa Philippines my Philippines?!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved