Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / OSY kritikal sa samurai ng kaaway
OSY kritikal sa samurai ng kaaway

OSY kritikal sa samurai ng kaaway

MALUBHANG nasugatan ang isang binatilyong out of school youth (OSY) makaraan pagtatagain ng samurai ng kanyang kaaway sa Pier 2, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Theogyl Cerdon alyas TJ, 15-anyos, ng Brgy. 20, Zone 2, Apex Compound, Pier 2, North Harbor, Tondo, nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

READ MORE:  Bading na pulis itinalaga sa Agusan checkpoint

Habang ang suspek ay kinilalang si alyas Niño, residente sa Gate 7, Area B, Parola Compound, Tondo, pinaghahanap ng pulisya.

READ MORE:  10 sugatan sa salpukan ng 2 tricycle sa CamNorte

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 1:30 am ilang metro ang layo sa tahanan ng biktima sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng isang mahabang samurai at sumigaw ng “Tangina mo TJ, natiyempohan din kita,” at pinagtataga si Cerdon, saka mabilis na tumakas.

READ MORE:  Lola itinumba ng hired killer (Lider ng informal settlers)

(BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top