Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / DENR Sec. Roy Cimatu ‘wag sanang ‘magulangan’ ng climate change
DENR Sec. Roy Cimatu ‘wag sanang ‘magulangan’ ng climate change

DENR Sec. Roy Cimatu ‘wag sanang ‘magulangan’ ng climate change

CONGRATULATIONS sa bagong talaga para mamuno sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Secretary Roy Cimatu.

Mula sa isang militanteng makakalikasan, isang military man naman ngayon ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Gustong ipakita ni Pangulong Digong na hindi siya makiling sa isang kampo. Isa sa mga batayan niya sa pagtatalaga ng mga opisyal sa kanyang Gabinete, una, ‘yung sumuporta at naniwala sa kanya noong panahon ng eleksiyon; pangalawa, totoong maglilingkod sa mamamayan; at pangatlo, ‘yung alam niyang magtatrabaho at may maitutulong talaga.

Palagay naman natin ay klaro ‘yan sa lahat.

Kung hindi man nakompirma ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Madam Gina Lopez sa DENR, ‘yan ay dahil nga sa “lobby money” ayon mismo kay Pangulong Digong.

Sana sa pagkakataong ito, hindi na mabiktima ng “lobby money” si Secretary Cimatu.

050917 Cimatu Duterte

Pero mukhang mayroon dapat bantayan si Secretary Cimatu.

‘Yung ‘remnants’ ng PNoy admin na nagtambakan daw diyan sa Climate Change.

Sila umano ay ‘kawan’ ng mga suweldo nang suweldo nang malaki kahit hindi nagtatrabaho.

Buti pa nga raw ‘yung climate nagte-change, pero itong mga ‘linta’ at ‘limatik’ na naiwan ng dating administrasyon, ang tindi ng kapit.

Ayaw mag-change!

Kahit wala silang ginagawa talagang kapit-tuko kasi alam nila hindi madaling magkatrabaho ang mga gaya nilang suweldo lang ang hanap — hindi naman talaga trabaho…

Kaya nga, kayang-kaya nilang tumunganga sa buong maghanap habang inip na inip mag-kinsenas at katapusan.

‘Yan po sila, Secretary Cimatu. Kaiingat kayo sa kanila.

Kung gusto ninyong makilala ang grupo na ‘yan, madali lang silang hanapin — mahilig sa adobo ang lider nila.

Gets ninyo, Secretary Cimatu?!

MAY BAGO BANG
‘IKAKANTA’
SI JANET NAPOLES!?

051517 napoles money PDAF

Importante umano ang tinaguriang Pork Barrel queen na si Janet Napoles sa isinusulong na anti-corruption drive ng Duterte administration.

Pero kung ano man ang sinasabing importansiya ni Napoles sa pagdidiin sa tunay na utak ng Pork Barrel scam sila lang ang nagkakaalaman.

Wala raw kinalaman ito sa isinusulong na ma-ging state witness umano si Napoles sa kaso laban kay dating justice secretary Leila De Lima.

Naniniwala si Justice Secretary Vit Aguirre, mayroon pang ‘tunay na utak’ sa likod ni Napoles sa Pork Barrel scam.

Sa pagkakataong ito, ‘yun umano ang dapat nilang mai-swak sa pagkakataong ito.

Abangan na lang natin kung may bagong pasasabugin itong si Napoles!

Agrabiyado naman sina Jinggoy, Bong at Enrile kung sila nga lang naman ang nakasuhan at nakulong, ‘di ba mga DDS!?

CREDIT CARD NA IPINADADALA
SA 2G0 WALA PA RIN HANGGANG
NGAYON?! (Anong petsa na 2go?)

051517 credit card hand

“BUKAS nasa inyo na ang credit card ninyo!”

Ganito umano ang pangako ng isang banko sa Caloocan sa isa nating ka-bulabog.

Kaya naman umasa siya.

Akala nga niya isang araw lang. Pero mag-iisang linggo na, wala pa rin ang kanyang credit card.

Nang tawagan niya ang 2GO, nangako naman na ihahatid na kanila.

Pero anong petsa na?!

Namuti na ang mata no’ng naghihintay wala pa rin. Kaya nga ginawa niya pinuntahan niya.

Aba alam ba ninyo kung ano ang sagot? “E ma’m makararating din ‘yon?! Hindi po ninyo puwedeng kunin kasi bawal ang pick-up. Hintayin na lang ninyo sa bahay ninyo.”

Wattafak!

Palpak na palpak ‘yang serbisyong ganyan.

Hanggang ngayon wala pa rin ang credit card ng ka-bulabog natin.

Hindi siya atat na atat magkaroon ng credit card, nag-aalala lang siya na baka ang dumating sa kanya ay bill agad ng banko na may utang na siya kahit wala pa ang credit card.

O ngayon, 2GO, nasaan ang credit card?!

REACTION
KAY NAPOLES

Dear Sir:

Tama si Ana Marie Pamintuan isang kolumnista,  sa ating bansa ang hustisya ay “weather-weather lang” na pinasikat ni dating Pangulong Erap.

Ang mga dating Pangulo na sina Erap at Gloria Macapagal-Arroyo ay nakulong sa mga akusasyong ibinibintang sa kanila ng mga nakaupong administrasyon.  Pero muli silang bumangon.

Si Erap ay ngayon ay alkalde na ng Maynila. Si Gloria naman ay nasa pangalawang termino bilang Pampanga congresswoman.

Ngayon,  napawalang-sala si Janet Lim-Napoles sa kanyang kasong “illegal detention.”  May bulongan na maaaring maging star witness si Napoles sa Priority Development Assistance Fund or PDAF Scam sa panahon ng dating administrasyong Aquino.

Muling uungkatin ang kasong ito upang mas lalong makilala ng sambayanang Filipino ang iba pang sangkot sa PDAF Scam.  Hindi kasi kapani-paniwala na tanging sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ang nakinabang sa PDAF.

Tanging si Napoles lamang ang susi sa kasong ito.  Na siya namang threat sa kanyang buhay ngayon.  Kaya bibigyan siya ng seguridad ng administrasyong Duterte.

Maaaring ang pagkakamali noon ay maaaring tama ngayon.  Kaya “weather-weather” lang ‘yan.

– Luisito A. Crisostomo Palanan, Makati City. [email protected]>

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Kampanya ng pulisya kontra krimen

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved